"'WAG NAMAN kayong mamamatay, ha? Please," wika ni Tarcila sa mga halamang na-accumulate ni Arik sa maliit na balkonahe ng condo unit. Noong hindi pa nagbabago ang elyen, paborito nitong tambayan ang balkonahe at kontento nang maupo roon habang tila nakikipag-usap sa mga dahon. She would catch him touching each leaf like he was tickling them and he would let out a chuckle.
Isa iyon sa mga alaalang iingatan ni Tarcila habang-buhay.
Habang-buhay.
Puwedeng hanggang sa kasunod na sandali na lamang iyon. Puwede rin namang matagal na matagal pa. Hanggang kailan nga kaya siya mabubuhay? Nakakatakot isipin, lalo pa at alam niyang malaki ang tsansa na gugugulin niya ang habang-buhay na nag-iisa.
Sa simpleng kadahilanan na, there's no other love.
Tumingala si Tarcila sa madilim na langit. Ni wala na siyang makitang totoong bituin. Mga ilaw na lamang ng mas matataas na gusali ang nagsisilbing mga tala. Still, she would never look at the stars the same way again.
Narinig niyang bumukas ang pinto. Nilingon niya si Arik. Lumapit ito at humawak sa kanyang baywang.
Sumandal siya sa dibdib nito. "Arik, ano'ng totoo mong anyo?" Hawig daw ng Earth ang Krohn, may mga halaman at hayop din. Tao rin nga siguro ang itsura nina Arik sa Krohn.
Sumang-ayon ang elyen. "Paris n'yo rin. We're just a bit bigger, taller. Our climate is more harsh—extreme. Nagpapalit kami ng kulay."
"Ha?"
"Our bodies adapt to extreme temperatures. When it's hot, we turn really, really dark."
"'Pag winter?"
"I don't know. Tulog kaming lahat."
"Nagha-hibernate kayo?"
"Wala naman kaming magagawa. The cold just make our hearts beat really slow. Kapag natunaw na ang mga yelo, everything... everyone just seem... golden. And we celebrate the coming of the sun. The Azha, it means the Sun."
Napatango si Tarcila. "Noon siya ipinanganak?"
Ramdam niya na tumango si Arik. "A golden child. Daughter of the Sun."
"Ang ganda siguro niya." May naramdaman siyang malamig na patak sa kanyang pisngi. Umaambon.
"She's the most beautiful child."
Hindi niya pagdududahan ang sinabing iyon ni Arik. Ano man siguro ang anyo nito sa Krohn, hindi nalalayo sa anyo nito sa Earth.
"Umaambon, Arik. Tara na sa loob," aya niya.
"Later. Let's just stay here."
Lumalakas pa ang ambon. "Umuulan din ba sa Krohn?"
"Oo."
"Pero malalakas. Mga bagyo lagi?"
"We're used to it. We welcome it. Kailangan ng mga pananim. Dumarating ang mga ulan sa kalagitnaan ng Golden season."
"Maganda siguro sa Krohn. Walang polusyon."
"Your planet is more peaceful. You will not survive in Krohn."
"Outside the Earth pa nga lang, hindi na ako makaka-survive..." Tumingala uli si Tarcila, hinayaan nang mabasa ang mukha. "Saan kaya banda ang Krohn, Arik? Para—para 'pag wala ka na, titingala na lang ako kung saan ka banda." Humarap siya rito. "Sana makabalik ka kay Azha, Arik. Para alam ko na masaya ka. Sana'y mahanap mo ang eksaktong panahon."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Arik, the Traitor of Khron
General FictionGreetings, Earth! It's done! I did it again. The BRAK Legacy continues.... BOK - guwapong promdi na ang tanging hangad ay mabigyan ng magandang buhay ang lolang nagpalaki sa kanya. ARIK - warrior king of Krohn-a planet waaaay beyond the observable u...
