CFWFR 4 ♥ Happy Family

8.2K 228 1
                                    

CFWFR 4 ♥ Happy Family

Trevor's POV

"OMG! Shavor! Bakit mo ako iniwan sa mall?!" Bungad sakin ni Hannie pagpasok ng mansion habang may hawak na mga paper bags. Hindi na nga pala ako nakapagpaalam kanina.

"Shut up." I rolled my eyes.

"Omg! That was so gay,Shavor. Bakit mo ko iniwan sa mall? Sabi mo babalik ka."

"Can you please shut up first Hannie?" Seryosong sabi ko kaya natahimik naman siya sakin saka tumabi.

"What is your problem Kuya? I know you."

I look at her. "*sigh* I saw her."

"Saw her? Sino?" Halatang naku-curious siya kung sino ang tinutukoy ko. Di ko talaga makalimutan 'yung nakita ko.

"Ayesha..."

Napatakip siya ba bibig niya at nanlaki ang mata. 

"OMG! Where is she?! I want to see her. Saan mo siya nakita?"

"Mall. Wag ka ng umasa na makikita mo siya dahil masaya na siya kasama ang pamilya niya." Takteng luha 'to. Bakit ba nagiging mahina ako pagdating sa kanya?! Sh-t! Ayoko na ng ganito. 

"P-pamilya? But kuya! Tayo ang pamilya niya!" Naiiyak na sabi ni Hannie. Masyado na siyang naging close kay Ayesha.

"May anak na siya at kaylangan nating tanggapin 'yon. Masaya na siya eh."

"P-pano mo..nalaman na may anak siya?"

"As i said. I saw her at the mall with her family. Actually,yung bata na nakita ko na nawawala kanina. Anak niya pala.."

"Who's the father?!" Galit na sabi niya. Kung hindi niya matanggap na may ibang pamilya na si Ayesha. Lalo naman ako.

"Si Kent.."

"WHAT?! No. Kaybigan siya ni Ate,imposible."

"Pero..masaya na sila. Hindi ko makalimutan na makita silang masaya kanina." Patuloy pa rin yung pagtulo ng luha ko.

"Hindi mo makalimutan sa nakita mo? O hindi mo matanggap na may iba na siyang mahal?" She hugh me tight. "Kuya. Don't cry,i'm always here for you." Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.

"I..sh-t! I don't love her anymore!" Tama. Dapat hindi na eh. Masaya na siya eh,guguluhin ko pa ba?

"Tch." She rolled her eyes. "Don't deny it Kuya,it's too obvious. Hmp! Dyan ka na nga." Sabi niya saka umakyat sa kwarto niya.

Obvious ba talaga?

_

Enzo's POV

"Daddy! Faster!" 

"Oo na eto na po! Eto na." Nagmamadali akong bumaba sa salas dahil sunday ngayon,family day.

By the way. I'm Enzo. Yung pinaka-good boy. Did you miss me? Yiee. Wag kayong kiligin,hindi na pwede. May asawa't anak na ako.

"Babe,ang tagal mo!" Hinampas ako ng mahina sa braso ni Krystal- Ang sobrang gandang asawa ko.

"Dad! Let's go! Tch." Ang sungit talaga nitong anak ko. Psh. Manang mana sa tito niyang si Shawn.

"Oo na,eto na po." Pinagbuksan ko sila ng pinto ng kotse. Nasa likod si Kenzo tapos nasa tabi ko si Krystal.

Pupunta kaming mall. Family bonding. Kahit na busy sa company hindi pa rin ako nawawalan ng oras sa mag-ina ko.

By the way,about sa pangalan ni Kenzo. Pinagtalunan pa namin 'yan na mag-asawa. Wag daw Kenzo,ang selfish ko daw kasi pangalan ko lang yung meron sa anak namin. Pero sabi ko sa kanya,kaya nga Kenzo dahil yung 'K' galing sa Krystal kaya pumayag naman siya. Eto talagang asawa ko medyo may pagka-uto-uto eh.

Pagdating namin sa mall pinark ko 'yung kotse ng mapansin kong nandon yung kotse ni Shawn. Ano naman kayang ginagawa niya dito? Wala naman siyang hilig sa pag-mo-malling.

"Mom! Is that Tito Shawn?" Tinuro ni Kenzo si Shawn na kakasakay lang ng kotse. 

"Tara na anak." Binuhat ko si Kenzo. 6 years old palang siya,actually ka-edad niya na dapat yung anak nila Ayesha at Shawn kung walang nangyaring masama.

"'Di po ba natin lalapitan si Tito Shawn?" Tinignan ko yung kotse ni Shawn. Wala na,umalis na.

"Wala na anak oh. Look,umuwi na si Tito Shawn." Sabi naman ng asawa ko.

"Ok Mom!"

Pagpasok namin ng mall dumiretso kami sa toy store.

"Mom! I want a new toy car!" 

"Babe. Samahan mo siya,may titignan lang ako." Bigla na lang akong hinila ni Kenzo sa may mga toy cars.

"Dad." Napatingin ako kay Kenzo. Hila hila niya yung laylayan ng damit ko.

"Why son?" Lumuhod ako sa harap niya para magkapantay kami.

"Look at her. She's so pretty." Tinignan ko kung sino yung tinuro niya.

What the...

Hindi ba ako nananaginip?!

"Babe. I forgot my-- O..m..g.." Napatakip ng bibig si Babe habang nakatingin sa bata.

She's so pretty. Kamukhang kamukha niya ang nanay niya.

"She's..alive..." Napatingin sakin si Babe. Hindi pa rin makapaniwala sa nakita niya,well. Ako din naman.

"Mom,Dad. What's the problem?" Lumapit si Kenzo kay Babe. "MOM! Look at that girl. She's so pretty,right?" 

Ano naman kaya 'tong iniisip ng anak ko?

"Son. Bata ka pa ok?"

"But dad." Bigla naman siyang sumimangot.

"Tch. She's pretty." I have no choice. Hindi niya ako papansinin kapag hindi ko siya sinang-ayunan.

"How about you mom? What do you think?.."

Nakatitig pa rin si Babe kung nasan yung nanay nung bata. Si Ayesha with her husband. -Kent. Pero sino yung isa pang bata? Anak 'din siguro nila. Pero hindi.. parang kamukha siya ni..no! 

Pano na si Shawn? Alam niya ba 'to? Tch. Kawawang kumag,wala na talagang pag-asa.

"I think...we have to go!" Bigla na lang tumakbo si Babe habang hawak sa kamay si Kenzo. Napakamot na lang ako ng ulo saka sila sinundan. Tch.

Sinundan ko si Babe hanggang sa makarating sa parking lot,agad silang pumasok sa kotse.

Hindi umiiyak si Kenzo,but i'm sure. Nadismaya siya.

"Where are we going? I though,we'll going to buy new toy cars." Malungkot na sabi niya.

"Ahmm..sorry. Nahihilo kasi ang mommy eh. Sorry son." Umarte si Babe na parang nahihilo tapos tinignan ako,binigyan niya ako ng 'sakyan-mo-na-lang-look.'

"Dad! Let's go home. Mommy need to take some rest." Tumingin siya kay Babe at biglang niyakap. 

"Son we--"

"Dad! Shut up. Just drive ok? Mommy is sick,she need to go home." Napasinghap na lang ako at nag-drive. Nung tinignan ko sa salamin si Babe,nagpipigil ng tawa. Tch. Lagi na lang akong basag sa anak ko. Manang mana talaga sa Tito Shawn niya.

Nako. Anak ko ba talaga 'yan? Sobrang sungit. Psh.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon