CFWFR 26 ♥ Perfect

7.6K 200 5
                                    

CFWFR 26 Prefect

Ayesha's POV

UMAGA. Nandito kami sa restaurant sa resort na 'to na malapit sa dagat. Kitang kita ang dagat at medyo malakas ang hangin.

Habang kumakain,hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni hindi ako makakain ng maayos dahil sobrang sweet ni Trevor.

Hanggang ngayon,wife ang tawag niya sakin. And found it sweet. Ganyan ba talaga siya sakin dati nung hindi ko pa siya nakakalimutan?

"Wife. Kumain ka,wag mo kong titigan na parang ako ang gusto mong kainin." Anong ibig sabihin niya?

"Ha? Nakakain ka ba?" Nakakunot noong tanong ko.

"Pwede,pero ikaw lang. Mas masarap pa nga ko dyan eh." Turo niya sa mga pagkain.

"So that means...dati kang pagkain?" Naguguluhan ako. Hindi ko siya ma gets.

"Alam mo nababaliw na ako sayo. Minsan ok naman ang takbo ng utak mo,pero madalas slow ka talaga. Tch. Stupid girl." He rolled his eyes. So ako pa ang may kasalanan? Totoo naman ah. Hindi naman talaga siya pagkain dahil siya ang ama ng mga anak ko. So kung pagkain siya...edi half tao half pagkain ang anak ko? Weird.

"Kung maka stupid girl ka naman. Psh." Hindi ko na siya pinansin at nag umpisa ng kumain.

"Tch. Kumain ka ng gulay." Bigla niya akong hinawakan sa may bandang baba at sinubuan ng gulay.

"Tangna ang sweet!"

"Hoy Flores! Wag ka ngang magmura sa harap ng mga bata." Sigaw ni Krystine kay Stephen. Para na talaga silang magkapatid.

"*Sigh* Slow." Sino kaya yung sinasabihan ni Kent?

Tawanan sila ng tawanan kaya hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain,naglakad lakad muna ako sa may tabing dagat kasama si Travis. Parang kaedad ko lang ang kasama ko.

"Mom? Did you try to find our dad?" Biglang tanong niya sakin.

Anong isasagot ko? Ayokong magsinungaling.

"I didn't try to find him. Hindi ko sinubukan na hanapin siya,pero ang utak at puso ko. Paulit ulit siyang hinahanap,anak. Kaya sana wag kang magalit na hindi ko-"

"No mom." He smiled. Isang ngiting first time ko yatang nakita. "It's ok that you didn't find our daddy. At least he's always in your heart. And i'm very thankful that you are my mom. You know why? You made everything perfect. You are the best Mother slash Father. Although,we grow up without our real daddy. It's ok because you and Tito Kent help us to be a good kid." Naiyak ako dahil sa english speech ng anak ko. Parang pati si author naiyak dahil sumakit ang ulo sa english speech niya. Just kidding. Na-touch ako sa sinabi ng anak ko. Kahit pala lumaki sila ng walang daddy,napalaki ko pa rin sila ng maayos sa tulong ni Kent.

I hug him. I'm so lucky to have this kind of kids. "I love you son. Promise,kahit na wala ang daddy niyo. I'll try to be your Mommy slash Daddy." I smiled and wipe my tears. Napansin kong tumulo din ang luha niya,ngayon ko na lang uli nakita umiyak ng anak ko. Ang huling iyak pa yata niya ay nung sanggol siya.

"I love you mommy." Niyakap niya ako ng mahigpit. Wala akong pakielam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito.

"Mommy! Sali!" Biglang may umakbong bata samin at niyakap kami ni Travis.

Si Baby Nimo ko pala.

"So ako hindi pwede sumali?" Biglang may nagtanong sakin.

Si Trevor.

"Of course pwede! Let's hug! I love you Mom and Dad." My heart beat fast. Napapadalas na ang pagtibok ng mabilis ng puso ko.

Mom and Dad?

Totoo ba na siya ang daddy ng mga anak ko? Bakit hindi ko subukan?

Binuhat ni Trevor si Nimo at hinawakan si Travis sa kanang kamay tapos ako naman nasa kaliwa ni Travis.

Naglakad kami papunta kung saan. Halos lahat ng tao nakatingin samin. Yung iba parang pinipicturan pa kami.

"Mommy look oh! Ang cute!" Lumapit kami kung saan may tinuro si Nimo.

May tinuro siyang Shirt na may print na babaeng Chibi na may flower crown.

"You want that baby?" Tanong sa kanya ni Trevor. Para silang mag-ama.

"Yes daddy." Ang cute talaga ng anak ko.

"What color do you want?"

"Pink." Sabi ni Nimo saka tumingin sa tindera.

"Sorry po sir. Wala na po'ng pink. Out of stock na pink. Blue na lang po ang meron." Sabi nung tindera.

"Is it ok baby?"

"Yes." Nakangiting sagot ni Nimo. Parang gustong gusto niya talaga yung tshirt.

"Isa nga." Sabi niya sa tindera.

Nagulat kami ng madaming nilabas yung tindera.

"Sabi ko isa lang." Nako ang subgit talaga ng lalaking to.

"Sorry po sir. Family shirt po kasi 'yan kaya bawal ang isa lang."

"Family shirt?" Nakakunot noong tanong ko.

"Yes mam. Kaso dalawa lang yubg para sa anak. Boy and girl. Tapos po yung sa parents." Seriously? Is it a coincidence or what?

" Seriously? Is it a coincidence or what?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ok."

"Pwede niyo po isukat." Sabi nung tindera. Binaba ni Trevor si Nimo at sinukat namin yung damit.

"Mommy picture mo ko!" Nag-pose na agad si Nimo.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa at pinicturan siya. How cute.

"Mam pwede po magpapicture?" Nagulat ako sa tanong nung isang tindera.

"Ay ate hindi po kami artista." Sagot ko naman.

"Hindi po mam. Ang gaganda aat ang gagawapo niyo ho kaya gusto kong magpapicture. Para kayong mga artista. Ang perfect niyo pong tignan."

"Oh ok po." Nawiwirduhan ako sa ateng to ah.

"Oy ne,pictureran mo kami dali." Binagay niya yung cellphone niya sa kasama niya at tumabi agad sakin saka kami pinicturan.

"Salamat po mam."

Hinubad namin yung tshirt saka nilagay sa plastic nung tindera saka kami naglakad pabalik sa cottage.

Pagbalik namin sa cottage,naabutan namin sila 'don na nagkekwentuhan at yung dalawang bata naman kumakain ng prutas.

Napatigil sila sa kwentuhan at napatingin samin.

"What a perfect family." Sabay na sabi ni Kent at Enzo habang nakangiti samin.

Perfect? Pano nga kung si Trevor na talaga ang asawang matagal ko ng hinahanap?

xxx

A/N: Sorry kung may wrong grammar T_T sumasakit ulo ko pag si Travis ang nagsasalita dito eh. Huhuhu T_T

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon