CFWFR 39 ❤ Casanova's Fake Wife For Real

9.3K 205 26
                                    

A/N: Wala kasing forever. Wag niyo ng isipin na surprise lang 'to ni Trevor. Nanghihina na nga siya tas duguan,right? Pano pa siya mag-su-surprise? :) anyway. Just read. Na-appreciate ko yung mga comments niyo. GG kayo kay Justin xD

-×-

CFWFR 39 ❤ Casanova's Fake Wife For Real

Ayesha's POV

Nangangatog ang tuhod ko habang dahan dahang naglalakad papalapit sa pintuan ng simbahan.

Kasalukuyan pa itong sarado kaya hindi ko makita ang mga tao.

Hindi ko pa rin mapigilan ang pag-iyak.

Nandito pa ako sa labas ng simbahan at nilalagyan ng belo.

Inaayos din nila ang make up ko.

Napansin ko ding may maliit akong tiara sa ulo.

Napakagara ng suot kong puting gown na mahaba ang dulo. Pero mas maganda kung si Trevor ang sasalubong sakin sa loob ng simbahan.

Pero hindi. Isang Justin na hindi ko mahal ang sasalubong sakin at pakakasalan ko sa araw na 'to.

Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa pakasalan siya. Pero naisip ko na kung papakasalan ko siya,maaari ko pang makita ang mga anak ko-- at ang asawa kong si Trevor na nasa piligro ngayon.

Alam kong hindi siya ligtas sa mga sugat na natamo niya. Halos hindi ko na 'din siya makilala.

"Miss Ayesha." Napatingin ako sa babaeng nakaluhod sa harap ko at isinusuot sakin ang high heels na napakaganda.

Napakagara ng lahat.

Maganda ang simbahan sa labas pa lang. Kamusta na kaya si Justin sa loob? Baka kasalukuyan na siyang nasusunog dahil sa kademonyohan niya.

Kahit pakasalan ko siya,hinding hindi ko siya mamahalin dahil si Trevor lang ang lalaking nagmamay-ari ng puso ko. Siya lang.

Siya lang ang asawa ko hanggang sa mamatay ako. Siya lang ang nagmamay-ari ng puso ko.

Maya maya may inabot na sakin ang bulaklak. Ang ganda ng kulay ng bulaklak.

Nagbukas na ang pintuan ng simbahan. Puro blue at pink ang nakita ko.

Napakagaling niyang mamili ng motif. Kulay pink. Talagang favorite color ko pa.

Napaka engrande ng kasal pero napakasakit isipin na hindi si Trevor ng naghihintay sakin sa loob.

Nasan na kaya siya ngayon? Sana ok na ang kalagayan niya. Sana nadala na siya sa ospital para kahit papaano maging ok na siya at gumaling ang mga sugat niya.

Nanlalabo ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko kayang tanggalin na sa kanya ako maikakasal ngayon.

Biglang may tumugtog na kanta at dahan dahan akong naglakad papasok ng simbahan. Thousand years na violin.

Nakita ko sa dulo si Justin habang nakangiti sakin.

Ang kapal ng mukha niyang ngitian ako. Siya ang pinakawalang kwentang taong nakilala ko sa buong buhay ko.

[Please play the video. ↑↑↑ It's a must. Para feel.]

Habang naglalakad ako sa mahabang red carpet. Lahat ng tao ay nakatingin sakin. Lahat sila nakangiti.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon