CFWFR ♥ Dog Tag Necklace
Ayesha's POV
"YESH! LET'S GO!" Lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa salas.
"Wow. Ready ha." Nakangiting sabi ko sa kambal. Naka-uniform sila at dala na nila yung bag nila.
Ngayon na ang pasukan nila at halata naman na excited na sila.
"Mom! Please call Tito gwapo." Tumingin ako kay Nimo. Lagi na lang siyang nag-uutos na tawagan si Trevor kaya pati ako may number na din ni Trevor.
"Why? Anak busy si Tit--"
"Mom. Sabi niya po tawagan lang siya tapos pupunta na siya." Nag-pout pa ang anak ko. Pero hindi naman pwede na lagi kong tatawagan si Trevor dahil busy siya.
"Anak. Mamaya na lang ok? Sasama ko siya kapag susunduin kayo."
"Ok." Malungkot na sabi niya.
"LET'S GO!" Rinig namin na sigaw ni Travis na nasa kotse. Ihahatid namin sila ni Kent tapos di-diretso na si Kent sa company. Ako naman mag-go-grocery ako para pag-uwi ng mga bata,maipagluluto ko sila.
Hindi naman kalayuan ang Thypellton Academy dito kaya mabilis kaming nakapunta.
Pinagbuksan ko ng pinto ng kotse yung kambal. Sobrang cute nila sa suot nilang uniform.
"Halika na,ihahatid ko na kayo sa room niyo."
"Yehey!"
Kent-Nimo-Ako-Travis. Magkakahawak kamay kaming naglakad papunta sa room.
Malawak ang Thypellton Academy. May Elementary,High school and college department.
Magkaklase sila ni Travis.
Naglakad kami hanggang makarating sa room nila. Madaming mga yaya ang nandito sa school,konti lang yung mga parents talaga.
Sa bagay. Pang mayaman na eskuwelahan 'to,pero kahit mayaman sila dapat hindi pa rin sila nawawalan ng oras sa mga anak nila. Dahil hindi kayang tumbasan ng kahit ng anong bagay ang pamilya.
"Tch. Dad,faster!" Napatingin ako 'don sa bata na may dalang backpack. Siguro parents niya yung kasama niya.
"GRAYSON FLORES." Saway naman sa kanya nung babae.
"Mom!" Napansin ko naman yung cute na batang lalaki na nasa may pinto ng room,parents niya din siguro yung kasama niya.
Konti lang ang mga parents dito na naghahatid sa mga anak nila.
"KENZO!" Pinagtaasan siya ng boses nung babaeng kasama niya.
"MOM!" Ginaya naman siya nung bata. Hahaha. Cute.
"Kenzo." Seryosong sabi naman nung lalaking kasama nila. Daddy niya siguro.
"Ok fine. Sorry mom."
"Tch. Kenzo Kang. 'Yang ugali mo ha. Ayusin mo lang,ka-bata bata mo pa. Hay nako! Manang mana ka talaga sa Tito mo!" Saway naman sa kanya nung babae.
Napatitig na lang ako sa dalawang pamilyang nasa harap ko. Hindi ko may intindihan pero parang may gusto ko silang kausapin.
"Tch. They are so irritating." Travis rolled his eyes.
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Storie d'amore[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?