EPILOGUE

9.4K 221 14
                                        

EPILOGUE

After 14 years...

Ayesha's POV

Labing apat na taon na ang lumipas mula ng ikasal kami.

Nagkaron kami ng anak. Si Ethan Blaine Ynarez. He's 14 years old and 2nd year high school. Nag-aaral siya sa school kung saan 'din nagtapos ng high school ang kambal.

Si Travis at si Nimo. 21 years old na ngayon. Si Travis tinitrain na sa kompanya ni Trevor. Ngayon pa lang nakikitaan na siya na magiging isa siyang magaling na businessman in the near future.

Si Nimo naman madami ng botique shop at may sarili ng cloth line. Kilala na 'din siya bilang isang sikat na designer.

Sobrang saya ko dahil alam kong magiging maganda ang future ng mga anak ko.

Si Grandpa?

Wala na siya. 

Dumating ang isang trahedya sa buhay namin at iyon ang pagkawala niya.

Namatay siya dahil sa sobrang katandaan. Pero namatay naman siyang masaya dahil naabutan niya si Ethan.

Si Kent. May anak na 'din. Kambal at parehong lalaki. Sino ang nakatuluyan? Syempre si Janine. Bumangon sa hukay. De joke lang,syempre si Charina.

Si Hannie naman kasal na kay Emir. May dalawa na silang anak. Si Ennie at si Hanji Klin. Si Ennie babae tapos si Hanji naman lalaki. O diba? Kakaiba ang pangalan ng mga anak nila.

Si Krystal at Enzo? Yun. Hiwalay na.

Joke lang ulit. Like Travis,tinitrain na 'din ni Enzo at Stephen ang mga anak nila.

Si Grayson nasundan pa,may kapatid siyang si Rey. Kasing edad lang ni Ethan. Pero si Rey babae siya. Her true name is Reyina Steph Flores. 

Dapat Steph na lang ang palayaw kaysa Rey,panlalaki yung Rey eh. Ewan ko ba sa mag-asawang 'yon.

Si Kenzo naman busy sa girlfriend niya. Psh. Batang 'yon.

Si Nimo may manliligaw,pero ayaw niyang sagutin dahil may mahal siyang iba. Ok lang sakin kung magka boyfriend na siya. Nasa tamang edad na naman siya at hindi ako magiging hadlang sa love life ng anak ko.

Si Travis naman may naghahabol na babae at sinabi na nabuntis niya. Pero ang sabi ng anak ko. "WHAT THE HELL ARE YOU SAYING?! PANO KITA MABUBUNTIS EH VIRGIN PA KO?!" At ayun. Pulang pula ang mukha niya dahil pinagtatawanan siya ng daddy niya. 21 na daw siya pero virgin pa,nakatikim sakin ng mag-asawang batok si Trevor tapos sabi ko. "Palibhasa ikaw isang taong gulang ka pa lang yata 'di ka na virgin."

Masyadong focus si Travis para sa future niya.

At si Trevor? 

Ayun gago pa 'rin. Syempre joke lang. Ayun mahal na mahal pa rin ako.

Dito kami nakatira sa mansion namin ni Trevor na niregalo sa amin ni Grandpa after nung fake marriage namin. Pero pinarenobate namin kaya mas lumaki.

Sa Ynarez Mansion naman nakatira sila Hannie. Tapos sa Suarez Mansion naman,nandon sila Mommy at Daddy. May edad na sila pero malakas pa rin.

Minsan doon kami natutulog o ang mga bata lang. 

Yung daddy naman ni Trevor busy pa rin sa kompanya nila sa ibang bansa. Pero hindi na tulad ng dati,ngayon madalas na siyang umuuwi.

Naalala ko nung after ng kasal namin. Yung kinuwento niya sakin yung plano nila.

Si Stephen daw talaga ang nagplano ng kalokohan na 'yon,tapos sumang-ayon si Enzo.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon