CFWFR 38 ❤ Last Wish

6.7K 189 12
                                    

CFWFR 38 ❤ Last Wish

Ayesha's POV

Tama ba yung desisyon ko? Pero wala eh. Ayokong mapahamak pa sila.

Ayokong nakikita silang nasasaktan.

Ayoko..

"Mommy no!" Nalatingin ako sa dalawang anak ko na habang patuloy kami sa pag-iyak. "You said you love us right? Please mommy. Wag kang pumayag. I'll promise..i'll be a good girl. Please.."

"Sorry.." Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko. Sobrang nahihiya ako sa mga anak ko dahil pumayag ako sa gusto ni Justin.

Hindi dapat ako pumayag na magpakasal sa iba dahil may pamilya na ako. Pamilyadong tao na ako.

Sana naging tama ang desisyon ko. Hindi ko 'to gagawin para makipaglandian sa iba. Ginawa ko 'to dahil mahal ko sila.

"W-wife..no please.." Nanghihina pa ring sabi ni Trevor habang nakaluhod sa harap ko at nakatali ang kamay.

"Sorry..kahit na magpakasal ako sa demonyong 'to. Lagi mong tatandaan na ikaw lang..ikaw lang ang lalaking una't huling mamahalin ko.."

"Please..wife.." Awang awa ako sa asawa ko. Hindi ko nakakayang tignan ang gwapo niyang mukha na halos ngayon ay hindi ko na makilala.

Sobrang nanlalabo na ang mata ko at sumasakit na din dahil kanina pa ako iyak ng iyak.

Hindi ko na kaya.

Nagulat ako ng naglakad ng nakaluhod si Trevor sa harap ni Justin.

"P-parang awa mo na..kung aagawin mo ang asawa ko..wala na akong magagawa dahil pumayag na siya..pero hayaan mo akong gawin 'to sa huling pagkakataon. Hindi matutuloy ang kasal namin dahil sayo..sana kahit eto lang." Parang nadudurog ang puso ko sa mga naririnig ko. Totoo bang isusuko niya ako kay Justin?

Hindi niya ba ako ipaglalaban? Hindi ba't mahal niya ako?

O may mahal na siyang iba kay siya naging cold sakin?

"So what's your last wish?" Nakangiting tanong sa kanya ng demonyong nagngangalan Justin.

"Pwede bang pakawalan mo ko?..gusto kong magpropose sa kanya..kahit hanggang dun lang.." Totoo ba 'to? Mag po-propose siya sakin?

Tumawa ng mahina si Justin. "Ano ko tanga?! Bakit naman kita pakaawalan? Mamaya tumakas ka pa."

"Tingin mo ba makakatakas pa ko?" Nanghihinang sabi niya. "Hindi ako tatakas..at lalong hindi ko na makakayang lumaban.. mas gugustuhin kong mamatay kasama ang pamilya mo."

Natigilan naman si Justin at pinakawalan si Trevor.

"Siguraduhin mo lang na wala kang gagawin." Tanging tango lang ang isinagot ni Trevor.

Humarap siya sakin at lumuhod sa harapan ko.

Hinang hina siya. Halos hindi ko n siya makilala dahil sa sobrang dami ng dugo at sugat niya sa mukha.

"Ayesha.. i want to marry you again. For real. I want you to be my wife,for real. I want you to be my woman,for real. I want to live in the same roof with you and our kids,for real.." Siguro kung wala kami sa kalagayan na 'to. Baka kinilig na ako,pero hindi ko kayang kiligin habang nakikita kong nasasaktan ang pamilya ko.

"I want to stay with you forever.. for the second time around. I want everything to be real. Can you be you wife...for real?"

Tangin iyak lang ang nasagot ko sa proposal niya.

Kitanh kita ko kung gaano niya ako kamahal. Tama ba ang desisyon ko na pumayag na magpakasal kay Justin?

"Please Ayesha.. Please say yes for the last time.. Kahit hanggang dito lang. Gusto ko lang maranasan na magpropose sa babaeng mahal na mahal ko.. hindi man tayo abutin ng simbahan.. sana kahit dito lang. Alam ko na hindi na din ako magtatagal Ayesha. Pinipilit ko lang maging malakas para sa pagkakataon na 'to." Dahan dahan siyang may dinukot na kung ano sa bulsa niya.

Isang singsing.

Ngumiti siya ng mapait. "Plano ko sana na.. yayain ka ng kasal.. kaso dahil nangyari 'to.. hanggang yaya na lang.. please say yes?" Halata sa mukha niya na pinipilit na lang niyang maging malakas.

Napakawalang kwenta ko. Siguro nga tama ang desisyon ko dahil sa isang tulad na lalaki ni Trevor. Hindi niya deserve ang babaeng katulad ko.

"Yes Trevor.. hindi porke pumayag ako sa gusto niya,siya na ang mahal ko. Maaaring siya ang pinili ko,pero ikaw lang ang laman ng puso ko.. tatandaan mo 'yan." Dahan dahan pumunta sa likod ko si Trevor para isuot ang singsing sa daliri ko dahil nakatali pa rin ang kamay ko.

Lumapit siya sakin at dahan dahan akong hinalikan sa labi.

"I love you... goodbye." Pagkatapos ng mga salitang 'yon. Bigla na lang siyang natumba sa sahig kaya mas lumakas ang hagulgol namin ng mga bata.

"Trevor wake up! Please! Trevor..."

"Bitbitin niyo na 'yan!" Utos ni Justin sa mga kasama niya at kinaladkad nila si Trevor palabas.

"TREVOR!!" Trevor gumising ka naman oh.

"You are mine now,Ayesha. Isang oras na lang at ikakasal na tayo." Ngumiti siya ng napakalawak at lumapit sa dalawang anak ko.

"Ako na ang magiging bagong daddy niyo."

"No! You're a bad guy! Hindi ka namin magiging daddy!" Pinagsisipa siya ng mga anak ko at parang napikon siya kaya umiwas na lang siya.

"Sige na." Sabi niya sa dalawang lalaki kaya agad itong lumapit sakin.

Pilit akong pumalag dahil may nakita akong nilabas silang injection na hindi ko alam kung para saan.

"WAG KANG MALIKOT!" Hinawakan ako ng dalawang lalaki at may itinusok na kung ano sakin.

BLANK

_

Nagising ako ng naramdaman kong para akong umaandar.

Alam kong nakasakay ako sa isang sasakyan. Pero wala akong makita dahil may takip ako sa mata at may tali sa kamay.

San ako dadalhin?

"Wag ka na lang pumalag kung ayaw mong masaktan." Hindi ko kilala ang boses pero alam kong babae ang nagsalita.

Natahimik na lang ako dahil kahit sumigaw ako. Wala na akong magagawa.

Hindi namn nagtagal at huminto na ang kotse.

"San niyo ako dadalhin?!" Pilit akong pumapalag sa may hawak sakin pero wala akong magawa.

Alam kong naka wedding gown pa rin ako dahil nahihirapan ako maglakad at sobrang haba ng damit ko.

Inalalayan nila akong umakyat. Bakit puro hagdanan? Nasan ba ako?

"Dito na." Sabi nung babae.

Dahan dahan nilang tinanggal ang tali ko sa kamay pero hindi ko pa rin magalaw ng maayos.

Maya maya naman ay ang nakatakip sa mata ko naman.

"Simbahan?" Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

Totoo nga ang sinabi ni Justin.

Naiyak nanaman ako ng maalala ko ang sinabi niya at ang mga nangyari.

Ikakasal nga ako sa kanya.

Kent please.. tulungan mo ako. Ikaw na lang ang pag-asa ko. Please.

xxx

A/N: WAAAAAAH! Nakakatamad mag UD. Comment please T_T Kahit 5 comments lang mag-u-UD ako ngayon 'din. Anyway,walang poreber.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon