CFWFR 19 ♥ Weird

7.7K 236 2
                                    

CFWFR 19 Weird

Trevor's POV

Ringing...

"Hello Baby. Good morning." 

["Daddy! I miss you. Where's mom?"]

"She's still sleeping. How's your sleep? Do you eat your breakfast?" Kausap ko sa kabilang linya si Nimo,binigyan ko siya ng cellphone diba? Hindi naman siya nahirapan matuto.

["I don't want to eat,dad."]

"Why? Don't skip your meal Nimo Claine." I said using my warning tone. 

["But da-- Daddy! Nimo Claine skip her breakfast. I don't know why."] Bigla namang sumingit yung boses ni Travis.

"Nimo Claine."

["Ok fine. I'm going to eat na po,just don't get mad."] She's a goodgirl.

"Ok,nasa si Tito Kent? I want to talk to him." 

["Sure dad. Tito! Daddy wants to talk to you."] Medyo nilayo ko yung cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw nya.

"Hello Kent?"

["Oh? Kamusta dyan?"]

"Ok naman."

["Where's Yesh?"]

"She's still sleeping. Kent,take care of my kids." Paalala ko sa kanya,alam ko naman na busy 'din siya sa kompanya nila.

["Oo na. Don't worry 'di ko papabayaan ang mga anak mo. Ayoko pang mamatay Haha."] Siraulo talaga. Pero sobrang thankful ako dahil nandyan siya nung mga panahong wala ako. At least nung wala ako naranasan pa 'din ng mga anak ko ang magka-daddy dahil kay Kent.

"Good. I need to hang up,gising na si Ayesha." 

["Bye."] I ended the call. Lumapit ako kay Ayesha na nakahiga sa sofa.

Sa iisang kwarto lang kami,pinalabas ko na wala ng ibang bakanteng kwarto kaya kaylangan naming mag share dahil wala na kaming choice. Pero nagpumilit na sa sofa na lang daw siya,pero sabi ko sa kama siya. Nahirapan ako,pero napilit ko naman siya kaso paggising ko nasa sofa na siya. Lumipat siguro nung natutulog ako. Tch.

Pareha pa kaming naka white t-shirt na may tatak na California. Pag-dating kasi namin namasyal muna kami kaso biglang umulan kaya nabasa kami. Wala kaming dalang damit dahil nasa hotel na kaya bumili na lang kami,hindi na din kami nakapagpalit dahil sa sobrang pagod.

"Good morning Trevor!" Bati niya sakin. Ang ganda ng gising niya ha? Pinagnasahan niya siguro ako sa panaginip niya.

"Good morning. Tara na,let's have a breakfast."

"Pwede mamaya na? Hindi pa ako naliligo eh. *Yawn* 

"Let's go. Hindi pwedeng mamaya na." Hinila ko siya paalis sa kama.

"Teka lang." Bigla siyang tumakbo papasok ng cr. Paglabas niya,medyo basa yung mukha niya. Naghilamos at nag-toothbrush siguro.

Hinila ko siya hanggang sa parking lot ng hotel. Sa ibang restaurant kami kakain dahil ayokong kumain sa hotel na 'to. 

Tahimik lang siya habang nagda-drive ako hanggang sa makarating kami sa isang Filipino restaurant dito sa california.

Alam kong mahilig siya sa mga filipino foods. Lalo na yung adobo,favorite niya 'yon. Kaya niya pa nga yatang makipagpatayan para sa adobo.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon