CFWFR 3 ♥ Ayesha
Trevor's POV
"Where do you want to go?" Buhat buhay ko pa rin siya habang naglalakad dito sa mall. sino kaya ang parents niya? She's so pretty. Kamukhang kamukha niya si Ayesha.
Kamusta na kaya siya?
Gusto kong magka-anak. Pero imposible na. After 6 years madami na ang nagbago.
Oo nagbago ako,iwas sa babae. Halos lahat nagbago,at hindi na ako yung ordinaryong Trevor na minahal ni Ayesha. Mas madami na akong kayang gawin ngayon.
"Tito gwapo,i want to buy new toys. Kanina po kasi nawala ako,kaya hindi ako nabili ng toys ni mommy." I pinched her cheeks. Ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
Buhat ko pa rin siya hanggang sa makarating kami sa toy store,bibili ko rin nga pala ng laruan si Kenzo.
"What do you want?"
"I want that bear." Tinuro niya sakin yung malaking teddy bear. Naalala ko tuloy yung giant bear ni Ayesha sa kwarto namin. Nandon pa rin 'yon. Hindi ko inaalis.
"Anong kulay ang gusto mo?" Nilapit ko siya sa may mga teddy bear.
"Pink." Kinuha ko yung teddy bear na kulay pink saka binigay sa kanya.
"Gusto mo 'to?" Kinuha niya yung teddy bear at bigla akong niyakap.
"Thank you tito gwapo."
"Anak. Nimo! Hindi magandang biro 'yan anak." Natigilan ako sa boses na narinig ko.
Hindi kaya..
"Mommy!" Bumaba siya sa pagkakakarga ko at tumakbo. Sinundan ko siya ng tingin kung saan siya pumunta.
"NIMO! ANAK!" Bigla siyang niyakap nung babae,hindi ko masyadong makita dahil mahaba ang buhok.
"Baby girl. Saan ka ba galing? Pinag-alala mo kami ng mommy mo!" Isang boses.
Kung hindi ako nagkakamali,boses 'yon ni Kent.
Inayos nung babae yung buhok na nakaharang sa mukha niya. At hindi ko inaasahan ang nakita ko.
"Ayesha..."
Napatingin siya sakin,bigla naman lumapit sakin si Nimo at hinila ako papalapit sa magulang niya.
"MOMMY! This is tito gwapo. Siya yung nag-help sakin. And he buy me this bear!"
Napatingin sakin si Kent. Parang gulat na gulat siya,na medyo natutuwa. Natutuwa ba siya dahil nasa kanya na si Ayesha at wala na akong magagawa?
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?