CFWFR 9 ♥ Preparation
Ayesha's POV
"Travis. Do you like this?" Tinuro ko sa kanya yung tuxedo na white na nasa brochure.
"No. Maybe this one." Tinuro niya sakin yung tuxedo na black tapos white polo yung sa loob. Nag-pe-prepare na kami para sa 7th birthday ng kambal.
"Ok." Tinignan ko naman si Nimo na namimili ng gown niya. "How about you Nimo? What do you like?"
"That one." Tinuro niya yung gown na nasa brochure.
1 month pa naman bago ang birthday nila. Mauuna ang pasukan kaysa sa birthday nila,mas ok na din 'yon para makasama sa birthday nila yung mga magiging friends nila.
Inagahan lang namin ang pag-asikaso para maging maayos lahat sa mismong birthday ng kambal.
"Tito Kent!"
"What?" Busy 'din si Kent sa pagtingin sa laptop niya. Masipag talaga magtrabaho ang isang 'yan.
Nandito kami sa living room. Kami ni Nimo namimili sa brochure,si Travis naman nagbabasa ng libro na bigay ni Trevor. Tapos si Kent busy sa laptop.
Nagulat ako nung ang daming pinamili ni Trevor kay Nimo pati na mga libro para kay Travis. Kaya ayon,tuwang tuwa na sa kanya si Travis.
"Can you please tell Tito Gwapo to come here?" Lagi na lang inuutusan ni Nimo at ni Travis si Kent na papuntahin dito sa mansion si Trevor kaya medyo madalas na din siya dito.
"He's busy."
"But Tito Kent!"
Binaba ni Travis yung hawak niyang libro saka lumapit kay Kent,nagulat na lang kami pareha nung isarado ni Travis yung laptop niya. "Mr.Kent Sy,can you please tell Tito Shawn to come here?" Seryosong sabi niya.
Minsan hindi ko alam kung bata ba talaga yung nakakasama namin eh.
"Ok fine Mr.Travis Daine Ynarez. Manang mana ka talaga sa tatay mo."
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?