CFWFR 14 ♥ Party
Trevor's POV
Sa lahat ng mga nalaman ko,para tuloy akong nabakla kaya sinabi ko kay Hannie. Saka nawiwirduhan 'din siya sa masyadong pagiging masaya ko kaya nagtanong ng nagtanong. And 'yon. Sobrang saya.
Kakausapin ko si Kent pagkatapos ng party dahil alam kong matutulungan niya ako.
"Hannie! Faster!" Pupunta kami sa party ng kambal-- ng mga anak ko.
"Eto na nga eh. Masyado kang nagmamadali,Shavor! Hindi ka pagtataguan ng mga bata."
"Tch. Bilisan mo na!" Inayos ko yung suot kong tuxedo.
This is not an ordinary birthday party na may balloons,cake,foods or what. I suggessted na sa isang hotel gawin ang birthday ng kambal-- sa hotel ko.
Mas maganda pa sa debut ng isang 18 years old ang birthday ng kambal. Gusto kong gawing engrande.
Binilhan ko ng mga libro si Travis. Tinanong ko siya kung ano ang mga gusto at ayaw niya so binilhan ko siya ng mga toy cars,casual wears, and of course,the books.
Kay Nimo naman binili ko siya ng mga toys and dress. Binili ko 'din sila ng sarili nilang cellphone para macontact nila ako. Nung una ayaw ni Ayesha,pero napakiusapan 'din. Baka daw kasi maaga mag-buntis si Nimo dahil sa phone. The fvck! May sperm cell ba ang cellphone? Inexplain ko sa kanya na gusto ko lang magkaron ng connection sa mga bata. Tch. Stupid girl talaga. Hindi pa 'din nagbabago.
"Let's go na nga Shavor. I want to see them na!" Lumabas si Hannie sa kwarto niya. Nakasuot siya ng white off shoulder dress and red stilettos. May dala siyang mga paper bags,regalo niya siguro sa kambal.
"Saan binyag?" I asked.
Napakunot ang noo niya at tumingin sakin. "What?"
"Mukha kang aantin ng binyag sa suot mo eh."
Nanlaki ang mata niya. "OMG! Wait magpapalit ako,baka mapangitan sakin ang mga pamangkins ko." Pabalik na siya sa kwarto ng hinawakan ko siya sa kamay.
"Tch. Tara na. Ok lang 'yan,magugustuhan ka ng kambal. Lalo na ni Nimo."
Kasama sila Stephen,Krystine,Krystal and Enzo dahil invited ang mga anak nila. Syempre pumayag naman sila,dahil gusto nila makita si Ayesha at ang kambal. Hindi ko pa sinasabi sa kanila pero alam na nila. Siguro dahil sa MADALDAL kong kapatid.
Nang makadating kami sa hotel pumunta agad kami sa venue. Napupuno ng kulay pink at blue.
Lumapit agad kami sa table kung nasan sila Krystal ng makita namin na may kausap silang babae na naka-blue na dress.
"Dude!" Bigla na lang akong tinawag ni Stephen na kasama nila sa table kaya napatingin sila sakin. Pati siya..
She's so gorgeous. Wala pa 'ding pinagbago. Siya pa rin pala ang babaeng minahal ko.
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?