CFWFR 20 ♥ Bonding?

7.3K 202 0
                                    

CFWFR 20 Bonding?

Hannie's POV

"Babe! Faster!" Papunta kami sa kambal ngayon tutal wala naman si Ate Ayesha at si Shavor. Gusto kong magkaron kami ng bonding ng mga pamangkins ko.

"Oo na eto na oh! Mababangga tayo sa kakamadali mo eh." Reklamo niya habang nagdadrive.

"May reklamo ka?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala babe. Ikaw naman oh,di mabiro." Tumawa pa ang loko. Ang gwapo talaga nya! Kahit ilang years na kami kinikilig pa din ako sa kanya.

Maganda nga 'yon diba? Hindi nawawala ang sweetness sa isa't isa — well,ganito kami maging sweet eh.

_
(Suarez Mansion)

"TITA!" Alam ko na na sakin nagmana si Nimo Claine lalo na sa boses. Psh. Aagawan pa yata ako ng trono ng pamangkin ko.

"Hi Tita." Kalmadong bati sakin ni Travis. 

Nagtataka ba kayo kung bakit hindi na ako masyadong conyo? Well,thank you na lang kay Emir dahil sa kanya umistrait ang dila ko.

"Hi kids! Where do you want to go?" Lumuhod ako at pumantay sa kanila.

Umiling sila. "Let's just stay here,Tita. Let's play in my room!" 

Ano nga bang aasahan ko eh bata 'yan.

"Ikaw Travis? Do you want to play too?" I asked.

"No Tita. I better watch educational videos or read books than to play." Yung tetee? 

"Ok. Sige sa kwarto muna kami ni Nimo." I tried to smile. Nakakatakot naman 'tong pamangkin ko,parang hindi bata eh.

"Go." Cold na sabi niya. Takte! Parang si Shavor tuloy yung kausap ko.

San ba 'to pinaglihi ni Ate? Sa sama ng loob?

"T-tita..." Napatingin ako kay Travis.

"TRAVIS!"

"DAINE!" Pareha kaming napatakbo ni Nimo kay Travis na nakahiga na sa sahig.

"Travis! Nimo anong nangyayari sa kuya mo?" Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang nagpapanic na ako ngayon lalo na't hindi ko alam kug anong nangyayari! Minsan ko na nag lang makasama ang mga pamangkin ko tapos ganito pa.

"Tita please call Tito Kent. Huhuhu...Daine wake up! Daine!" Sa pag-iyak ni Nimo nakikita ko na mahal na mahal talaga niya ang kambal niya. 

"Travis..." Pati ako naiyak na. Takte! Nasan na ba kasi si Emir? Bakit kasi pumayag ako na umalis pa siya eh.

_

Ayesha's POV

Nakatitig lang ako kay Trevor habang busy siya sa laptop niya,pangatlong araw na namin dito at hindi ko pa 'din siya pinapasin. Ewan ko ba pero inis na inis ako sa kanya,lalo na 'dun sa babaeng may malaking pakwan sa dibdib.

*Kringg...*

Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa kama.

"Hello Hannie?" Si Hannie pala yung tumatawag,ang kapatid ni Trevor.

["Ate...*sob*"]

"Hannie? Umiiyak ka ba? What's wrong?" Bigla na lang akong kinabahan. Teka ano bang meron?

["Ate..si Travis.."] Lalo akong kinabahan ng marinig ko ang pangalan ng anak ko.

"Anong nangyari kay Travis?!"

["Ate nasa ospital si Travis..."]

"Fvck!" I ended the call. Wala na akong pakielam,i need to go back to the philippines. Ao bang nangayari sa anak ko?

Wag naman sanang maulit yung nangyari dati..

"Ayesha what's wrong?" 

"Babalik na ako ng pilipinas." T-ng ina! Kapag naaalala ko si Travis naiiyak ako. "Si Travis..kaylangan kong punatahan ang anak ko." Nagmadali na akong iayos yung mga gamit ko sa maleta.

Sh-t! Ayos nga yung gamit ko pero saang eroplano naman ako sasakay? Kaylangan kong ibaba ang pride ko ngayon.

"Trevor..pwede bang--"

"Tch. Tinawagan ko na. Sasama ako sa pagbalik sa pilipinas. Tinawagan ko na at papunta na ang private plane." 

Buti naman. Mind reader ba 'to?

_

Nandito na kami sa ospital.

"Room 103." Kasalukuyan naming hinahanap ang room 103 kung nasan ang anak ko.

"Dito." Hinila ako ni Trevor papunta sa room 103. Bakit parang mas kinakabahan pa siya sakin?

Pumasok agad kami sa room 103,nakita namin si Travis na nakahiga sa hospital bed.

Nasa couch naman sina Hannie,Kent at Nimo,tapos yung isang lalaki sa pagkakaalam ko boyfriend ni Hannie.

Lumapit agad kami ni Trevor kay Travis.

"Son.." Napatingin ako kay Trevor. 

Son? 

Saka bakit siya umiiyak?

"S-son?" Pag-ulit ko sa sinabi niya.

"Ah..wala." Sagot naman niya. Weird huh.

"Kent,kamusta na ang anak ko?" Tumingin ako kay Kent.

"Stable na siya,pero kaylangan pa niya ng pahinga. Sabi ng doctor kaya siya hinimatay dahil sa nakakain siya ng shrimp,alam naman natin na allergic siya 'don." Nakahinga naman ako ng maluwag. Salamat naman at mali ako ng naisip,buti naman hindi siya sinumpong ng sakit niya.

"Saan naman siya nakakuha ng shrimp?" Tanong ko kay Kent.

Medyo namula naman siya. "S-siguro yung...naiwan kong Shrimp sa lamesa." Sabi na eh! Kaya siya namumula dahil sa may kasalanan siya.

"Yes!" Napatingin kaming lahat kay Nimo. "It's you fault tito Kent! Ikaw yung nag-iwan ng Shrimp sa table after you eat."

"*Death glare* Sy." Seryosong sabi ni Trevor.

Lumapit ako kay Kent at pinagpapalo siya sa braso. "Ikaw pala ang may kasalanan eh!" 

"Aray! Aray sorry na Yesh."

"Sorry! Pano kung may nangyaring masama sa anak ko! Nakuu!!"

"Sorry na." Para siyang bakla na nagsososorry.

"Hahahaha." Tawanan naman nila.

"Nangangamoy jealousy..." Makahulugang sabi ni Hannie. Napakunot na lang ang noo ko.

xxx

A/N: Short UD. Sorna xD VoMent guys. Kamsa~

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon