CFWFR 7 ♥ Dave
Trevor's POV
Hanggang ngayon bwisit na bwisit pa rin ako sa Dave Clemente na 'yan. Ano bang gusto niyang mangyari? Ang malampasan ako? No. Hinding hindi mangyayari 'yon kahit kaylan.
"Hey Tito. Are you ok?" Nandito ako sa mansion nina Enzo. Actually lahat kami,dahil buntis si Krystal.
"Dude. Tulala ah." Sabi ni Stephen habang katabi si Grayson— ang anak nila ni Krystine.
Mas matanda ng two months si Grayson kaysa kay Kenzo. Medyo bad boy si Kenzo at maraming crush kahit bata pa lang. Hindi ko alam kung san siya nagmana dahil goodboy naman ang daddy niya. Pero si Grayson,manang mana kay Stephen.
May mga junior na ang mga kulugo. Ako kaya kaylan?
"Hi." Napatingin kami sa bagong dating.
"Yun oh. Buntis! Nice one Enzo. Shooter ka talaga." Pang-aasar ni Stephen.
May party mamaya dito dahil nga sa new baby nila Enzo at Krystal,tapos bukas naman birthday ni Stephen.
"Palibhasa ikaw 'di maka-shoot." Sarcastic na sabi ko.
"Aba't anong hind--"
"I'M PREGNANT!" Nagulat ako sa narinig kong boses.
"Really Mom?! Meron na akong baby sister?" Masayang tanong ni Grayson. Pangarap niyang magkaron ng baby sister para daw po-protektahan niya kung pano sila pinrotektahan ng daddy niya.
"Yes baby."
"FVCK! Wife! I love you!" Niyakap ni Stephen ang mag-ina niya. Sobrang saya nilang tignan. Ako kaya? Kaylan?
"OMG! Twinsis,preggy ka din?"
"Yes. Hahaha."
Ang sasaya nilang tignan,feeling ko tuloy wala akong lugar para dito. Ako lang kaya mag-isa.
"So mamayang gabi ha!" Pagyaya samin ni Enzo.
T-ng ina! Nakakainis man aminin pero naiinggit ako. Sana may pamilya din ako tulad ng kanila.
"I have to go." Tumayo ako at inayos ang damit ko.
"Sige dude. Basta mamayang gabi ah!"
"Not sure." Dumiretso na ako palabas ng mansion at kinuha ang kotse ko sa garahe.
Naiinggit ako. Gusto ko na din magkapamilya— pero kay Ayesha lang. Siya lang ang gusto kong maging asawa at nanay ng magiging anak ko.
Uuwi muna ako sa mansion,siguro nandon na si Hannie.
Mabilis akong nag-drive hanggang makarating sa mansion. Naabutan ko si Hannie sa living room na may kasamang lalaki— si Emir Klin,yung nanliligaw sa kanya na hanggang ngayon hindi pa niya sinasagot kahit halata naman na may feelings din siya sa lalaking 'yon.
Nung una hindi ako pumayag na ligawan niya si Hannie,pero pinatunayan niya na mahal niya talaga ang kapatid ko kaya pinayagan ko siya. Nasa tamang edad na din si Hannie at ayokong maging hadlang sa kanilang dalawa. Gusto kong maging masaya ang kapatid ko. Ayokong maramdaman niya yung sakit na nararamdaman ko.
"SHAVOR!" As always,nakasigaw pa din siya. Hanggang ngayon Shavor pa din ang tawag niya sakin at wala ng yata siyang balak tawagin ako ng maayos.
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?