Madaming nagsa-suggest sakin ng next generation ng mga anak nila. Sorry pero wala na po talaga dahil magpo-focus na ako sa ibang story. At ang next generation na lang ng story na 'yon ang hintayin niyo. At dahil natutuwa ako sa mga comments niyo. This special chapter is for you guys. ❤
___
[PANAHONG ILULUWA PA LAMANG SI ETHAN SA MUNDO NG WATTPAD. HAHAHA.]
Ayesha's POV
"Baby,wala nanaman tayong kasama dito sa bahay. Ang daddy niyo kasi may dinaanan lang. Don't worry baby,babalik 'din agad si Daddy." Kinakausap ko ang tyan ko habanghinihimas ito.
Malaki na ang tyan ko,at ka-bwanan ko na rin ngayon. Excited na akong manganak. Syempre third baby namin 'to ni Ugly Demon slash Trevor,sobrang na-e-excite kami.
Lalo na siya,three months pa lang ang tyan ko e pinipilit na niya akong manganak. Abnormal diba? Psh.
Napag-usapan na 'din namin ang ipapangalan namin sa anak namin. Ethan Blaine Ynarez. Baby kasi. Sinadya namin na magkakatunog ang pangalan ng mga anak namin. Daine,Claine,Blaine.
Dahan dahan akong tumayo sa kama at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina dahil bigla ako nauhaw.
Hindi ko pa man 'din natatapos ang pag-inom ko,bigla kong naramdaman na parang naiihi ako kaya umakyat ako sa kwarto.
Para akong natatae na naiihi na ewan. Palakad lakad lang ako sa kwarto dahil hindi ko alam kung saan ba 'to lalabas. Masakit.
"Ahh.. ar-- aray.." Napahawak ako sa balakang ko at umupo sa kama. Sobrang sakit na.
Nagulat ako ng may tumulong dugo sa mga binti ko.
E'to na ba 'to? Manganganak na ba ko?!
"Y-yaya.." Hindi muna ako sumigaw ng malakas dahil baka pagsigaw ko e biglang lumabas ang sanggot.
Patuloy pa rin ang pagtulo ng dugo at hindi ko na natiis ang sakit kaya sumigaw na ko.
"YAYAAAAAAA!"
*
Third person's POV
"YAYAAAAAAA!" Malakas na sigaw ni Ayesha musa kanilang kwarto.
Walang ka-tao tao sa mansion nila maliban sa kanya at sa gwardya sa labas.
Nasa eskuwelahan ang kambal na sina Travis at Nimo.
"YAYAAAAA!" Sa sobrang sakit ng nararamdaman ni Ayesha at sa mga nakikita niyang dugo sa hita niya,mas lalo siyang naiyak.
Samantalang si Trevor,nakangiting pumasok ng mansion habang may dahil mangga na pasalubong niya para kay Ayesha.
Dumaan siya sa bahay nila Enzo. Galing ang pamilya ni Enzo sa probinsya at nagpabili ng mangga dito si Trevor.
Nang marinig ni Trevor ang napakalakas na sigaw ng asawa niya,nagmistula siyang kabayo dahil sa napakabili na pagtakbo niya paakyat sa kwarto niya.
Halos lumuwa ang mata niya ng makita niyang nasa sahig ang si Ayesha at umiiyak habang dinudugo.
"Fvck! Wife!" Agad niyang binuhat si Ayesha na para bang napakagaan lang nito. Hindi niya ininda ang bigat ng babae dahil sa sobrang kaba at kaya niya naman itong buhatin dahil sa laki ng katawan niya.
Para saan pa ang pumuputok na biceps at abs niya kung hindi niya mabubuhat ang asawa niya.
Ipinasok niya sa loob ng kotse si Ayesha at mabilis siyang nagdrive na parang nakikipag-karera.
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?