CFWFR 8 ♥ Tito Gwapo

7.8K 219 0
                                    

CFWFR 8 ♥ Tito Gwapo

Ayesha's POV

"Mom! I want this. Is it cute?" Pinakita niya sakin yung bag na hawak niya. Namimili na kami ng gamit nila dahil malapit na ang pasukan.

"Yes. Gusto mo 'yan?" 

"Nope." Tumalikod siya tapos namili ulit. Tch. May topak ba 'tong anak ko? Nagtatanong kung cute daw ba tapos ayaw naman pala niya.

"Travis. Ikaw?"

"That one." Tinuro niya sakin yung bag na hawak niya. Color blue,pero hindi masyadong pambata yung design. Bat ba ang matured ng taste ng anak ko?

"Oh sige na." Lumapit ako kay Kent. Naghahanap siya ng iba pang kaylangan bilin. Binigyan kami ng listahan ng kaylangan bilin para sa school kaya alam na namin yung mga dapat bilin. 

"Kent."

"Oh Yesh. Ok na yung mga notebook. Yung kay Nimo,gusto niya may print na princess." Pinakita niya sakin yung notebooks. "Tapos eto naman kay Travis." Tinuro naman niya yung kay Travis.

"TITO GWAPO!" Bigla na lang tumakbo si Nimo kung saan kaya hinabol agad namin siya.

"NIMO!" Tumakbo ako papalapit sa kanya ng makita kong nakayakap siya sa isang lalaki.

_

Trevor's POV

Sinundan ko si Dave Clemente sa mall. Nakita ko siyang may kausap kanina sa coffee shop,at narinig kong may balak sila sa kompanya ko.

Sinundan ko siya ng mall dahil nalaman ko na makikipagkita siya sa taong pag-uutusan niya.

"NIMO!" Nagulat na lang ako ng biglang may yumakap sakin. Pagtingin ko,si Nimo pala kasama ang pamilya niya.


"Tito Gwapo! You're here! I missed you!" Mas humigpit ang pagkakayakap niya sakin,ginantihan ko din siya ng yakap. Parang may iba dito sa batang 'to at gusto ko siyang yakapin.

"CLAINE!" May lumapit samin na batang lalaki. Hindi ko alam pero bigla na lang tumulo ang luha ko. Parang...sht!

"H-hi..." Hinawakan ko sa pisngi yung batang lalaki pero hindi naman siya umiwas.

"Hi." Sarcastic na sabi niya. 

"Daine! Ang bad mo! Siya si Tito gwapo na nag-save sakin." Nag-pout si Nimo.

"Tch. Whatever." Tumingin sakin yung batang lalaki. "By the way Mr.Tall guy. I'm Travis Daine. I'm her twin so don't you dare to do something bad or i will kick your ass."

"Y-yes.." Nauutal na sagot ko. Parang hindi bata ang kausap ko! Sh-t!

"And lastly...don't you dare to kidnap my twin sister."

"And why not?" I tease him. He's so cute.

"Because i'll kill you..." Hind ako natatakot syempre. Higit sa bata siya at hindi niya kayang gawin 'yon,hindi ako natakot dahil sobrang cute niya.

Ganyan din ako nung bata pa ako.

"Ok. Sorry Mr.Travis." Tinaas ko ang dalawang kamay ko na parang sumusuko. 

"Psh."

"Nimo Claine! Anak ano ka ba naman bigla ka na lang tumatakbo!" Lumapit si Ayesha at ngumiti sakin. "Hi."

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon