CFWFR 32 ❤ I remember you
Trevor's POV
"Trevor please wake up. Wala na akong pakielam sa nangyari. Promise,i will forget about what happened. Nandito na ulit ako. Please gumising ka na. Binalikan kita Trevor.. binalikan kita kasi mahal kita.. I remember everything. Please Trevor.. gumising ka na.. i love you.." Naramdaman kong may dumikit sa labi ko kaya dahan dahan akong napadilat kahit masama ang pakiramdam ko.
Parang may mabigat na nakadagan sakin kaya biglang kumirot ang balikat ko. Sa pagkakaalala ko nabaril ako ng siraulong bangkay sa bar. Humanda siya sakin pagkalabas ko dito sa ospital.
Unti unti akong napadilat habang nakadikit pa 'din sa labi ko ang bagay na 'yon.
Totoo ba 'tong nakikita ko? O nasa heaven na ako? Nananaginip ba ako? Fvck! Sana naman hindi.
"Trevor ko! Huhuhu.. gumising ka na please.." Nagpipigil ako ng tawa ko dahil sa babaeng nakayakap sakin habang umiiyak. Totoo nga. Hindi nga ako nananaginip.
Pinilit kong magpanggap ng tulog pero hindi ko maiwasan na matawa dahil sa halos tumulo na ang sipon niya kakaiyak at shit! Sobrang sakit ng braso ko dahil sa pagyakap niya.
"TREVOR! Huhuhu!" Mas lalo pang lumakas ang hagulgol niya na parang mamamatay na ako kaya napa-poker face ako.
I tap her head pero syempre mahina lang. Napatingin naman siya sakin habang tumutulo pa 'din ang luha. "Uhog mo." Pang-aasar ko sa kanya. Pinalo namn niya ako sa balikat ko.
"OUCH!" Damn it! Sa dami ng papaluin bakit yung balikat ko pa na nabaril? Pwede namang yung abs ko na lang.
"Gising ka? Hindi ba ako nananaginip?" Tinapik niya pa ako ng malakas sa pisngi kay hinawakan ko ang kamay niya. Ang sakit eh.
"Fvck! Stop it,wife. Puro pasa at sugat na nga ang mukha ko tapos hinampas mo pa yung tama ko sa balikat." Inirapan ko siya. Pwera biro pero masakit talaga yung pagkakahampas niya sa balikat ko pati pagkakatapik sa mukha ko.
"Sorry." Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. "Sorry Hubby." She kiss me in instant. What the hell? Nasa heaven na ba ako? Damn! I miss this feeling.
She call me Hubby. Matagal kong namiss yung tawag niya sakin na 'yon-- lalo na siya. Miss na miss ko na siya and i'm glad she's back. My wife is back.
"Wife. I'm not dreaming right?"
"Shunga lang? Kakagising mo lang tapos itatanong mo sakin kung hindi ka nananaginip?" I pinch her nose.
"Pilosopong stupid girl."
"Psh. Shungang ugly demon." At ayaw niya pa talagang magpatalo. I kiss her with passion. I really miss her.
"YOW! Uh-ohh." Napatigil kami dahil sa may ingay sa may pinto.
Mga istorbo.
"MOMMY!" Tumakbo ang kambal papalapit kay Ayesha. They really miss their mom
"DADDY YOU'RE AWAKE!" Pagkatapos nila yumakap sa mommy nila. Sumampa naman sila sa hospital bed at ayoko naman ang niyakap at pinaghahalikan.
"Ouch." Sabi ng ko ng mahawakan ni Nimo yung pasa ko.
"Oww. Sorry daddy."
"It's ok baby." I smiled.
"You look so perfect." Napatingin ako sa nagsalita sa pinto. Si Lolo,si Dad. Si Mr. at Mrs.Suarez ang nandon. Let's just say,mom and dad?
"I hope you'll be ok. Mag-umpisa kayo ulit. Sana makaalala ka na anak." Mrs.Suarez said.
"I remember everything,mom. Naaalala ko na kung pano nag-umpisa ang fake relationship namin. Kung pano araw araw na may umuungol sa bahay namin. Kung gano kadami ang inuuwing babae ni Trevor. Kung gano niya ako inaway at hindi pinaniwalaaan na hindi niya anak ang kambal--" I cut her words.
"WIFE! Wag mo kong siraan. Past is past."
Nagtawanan naman ang mga nandito sa kwarto.
"Pero ang mas naalala ko. Ay yung kung pano kami nagmahalan. At kung paano nabuo ang kambal." She grin. Damn!
"Wife,stop that. You're being naughty. Kapag hindi ako nakapagpigil,susundan natin ang kambal dito mismo."
They laugh like there's no tomorrow.
"Tch. Instead of talking about that dirty coversation,why don't we eat? I'm hungry." At sino pa ang nagsalita? Tch. Si Mr.Menoupause Travis lang naman.
_
It almost a week bago nakalabas ng ospital si Trevor. We decided na sa mansion na nila tumara,pumayag naman ako dahil para maalagaan ko siya at gusto kong bumawi sa mga panahon na nakalimutan ko siya.
"Mommy!" I look at Nimo. Nandito ako sa kwarto ni Trevor dahil nililinisan ko yung sugat niya sa balikat.
"Why? Please don't shout,anak. Hindi bingi ang mga kasama mo."
"I'm sorry mom. I want to swim po kasi." She pouted. I can't handle her cuteness,lahat yata ng ka-cute-an sinalo ng mga anak ko.
"Anak hindi kita mababantayan. May ginagawa ako oh." Nakikinig lang si Trevor sa usapan naming dalawa.
"Ok! Hihihi. I'll just go to Daine. I will make him asar again!" Tuwang tuwa siyang tumakbo palabas.
"Aasarin nanaman niya si Mini me." Pailing iling na sabi ni Trevor.
"Hindi mo mini me 'yon. Imposible,ang sipag kaya mag-aral non."
"Masipag 'din ako." He smirked.
"Nakipagsexy time sa mga chakang babae. Psh."
"So chaka ka?" He grin.
"Of course no! Yung mga chakang babae lang na kung san san mo napupulot. Syempre iba ako no. Mas maganda ako sa kanila." I cross my arms saka siya inirapan.
Dahan dahan naman siyang umupo at inakbayan ako.
He kiss my cheek and. "I know. Iba ka sa kanila. Nakipag sex lang sila. Pero ikaw? Kaya mong magmahal ng isabg casanova. You change me a lot. From a happy go lucky casanova to a responsible father."
He faced me at dinikit ang inong niya sa ilong ko.
"I love you wife. I promise na hindi na mauulit an masamang nakaraan. I love you."
"I love you too Trevor."
xxx
A/N: Sorry hindi ko maidedicate 'to. Sa cellphone lang kasi ako nag update. VoMent ❤
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?