CFWFR 37 ❤ Traitor

6.6K 165 3
                                    

CFWFR 37 ❤ Traitor

Ayesha's POV

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Nakakatakot. Para isa itong abandonadong lugar.

Napansin ko 'din ang sarili ko na nakaupo sa isang upuan at nakatali 'din ang kamay ko sa likod kaya hindi ako makakilos ng maaayos.

Nakidnap ako? Pero kung nakidnap ako,pano ko mahahanap ang anak ko?

"Gising ka na pala." Biglang may nagsalita sa may likuran ko at naglakad papunta sa harap ko.

Siya ba yung kausap ko kanina? Bakit hindi naman siya mukhang kidnaper? Ah basta. Wala akong pakielam.

"Nasan ang mga anak ko? Saka balit ano nandito?!" Pilit kong inaalis ang pagkakatali sa kamay ko pero hindi ko kaya. Masyadong mahigpit ang pagkakatali.

Hinawakan niya ako sa balikat at tinulak niya ako pasandal sa inuupuan ko.

"Anak mo? Kawawa ka naman." Tumingin siya sa mga kasama niya at may sinenyas na kung ano.

Maya maya ay lumabas ito kasama ang dalawang anak ko na may tali sa kamay.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para akong nabarahan ng kung ano sa lalamunan. Sobrang sakit pala na makita ang mga anak mo na nasa pa ganib pero wala kang magawa.

Napakawalang kwenta ko.

"MOMMY!" Patuloy pa rin sa pag iyak ang kambal.

"S-sorry..sorry dahil hindi ko kayo naprotektahan. Sorry mga anak." Gusto kong kumawala. Gusto kong saktan yung mga taong nagdala sa mga anak ko dito.

"Ano bang problema niyo? Ano bang nagawa kong masama sa inyo ha?! Bakit pati mga anak ko?! Bakit?!" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinasabi ang mga salitang iyan.

"Sorry miss. Napag-utusan lang." Ngumisi siya at tumungin sa mga kasama niya. "Tawagin niyo na." Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila.

Sila ba talaga ang kidnapers? Sa totoo lang walang bakas sa mukha nila ang pagiging kidnaper. Para lang silang tulad ng asawa ko.

Tinignan ko sila isa isa. Pitong kalalakihan lang pala ang nandito. Lahat sila nakasuot ng itim.

At lahat sila walang bakas ng pagiging kidnapers. Pero bakit?

Maya maya pa ay may nagsalita nanaman.

"Nandito na pala ang mapapangasawa ko." Nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang bose ni Trevor.

Sh-t naman! I mean ni Justin.

"B-bakit?" Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko alam ang sagot.

"Anong bakit?" Ngumisi siya ng nakakaasar.

"Bakit ha?! Diba ok na tayo?! Ano bang plano mo Justin? Ang sirain muli ang pamilya ko?! Ano bang nagawa kong mali sayo?!"

Hinawakan niya ako sa baba at akmang hahalikan pero hindi niya itinuloy.

"Hindi ikaw Ayesha. Si Ynarez."

Si Trevor?

"Anong nagawang mali sayo ng asawa ko--"

"MADAMI!" Sigaw niya sakin. "Madami Ayesha. At ISA KA NA 'DON." Natigilan ako sa sinabi niya. "Naaalala mo ba nung sinabi ko sayo na gagawin ko ang lahat para mapasakin ka?"

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon