CFWFR 36 ❤ Kidnap
Ayesha's POV
Pagkatapos ko makipag-promotan sa babae 'dun sa botique shop. Kumain muna ako saglit at pumunta na sa Thypellton Academy kung saan nag-aaral ng mga anak ko.
Susunduin ko sila dahil gusto ko 'din bumawi sa mali ko,at gusto ko malaman kung bakit sila nagkakaganon.
Sandali lang akong nag-drive at nakarating na ako sa school.
Buti na lang at may kotse ako at marunong mag-drive,dahil wala yung driver namin. Hindi ko ba alam kay Trevor pero bila niyang pinag-day off. Kahit mga maids sa bahay nangonti. Psh. Baka wala na siyang ipapasahod?
Madaming mga yaya ang naghihintay para sunduin ang mga alaga nila.
Madami ng mga naglalabasang mga estudyante. Ako naman pumunta ako sa room kung nasaan ang kambal at sa labas ko sila ng room hinintay.
Napakunot ang noo ko ng makita ko ang classroom nila.
Konti na lang ang mga estudyante.
Nasan na ang nga anak ko? Sinundo na ba sila ni Trevor?
Kinuha ko agad ang phone ko at dali daling tinawagan ang number ni Trevor.
"Sinundo mo ba ang mga bata?"
["No."] Cold na sagot niya.
"Pero bakit wal--"
["Sir may-- Bye. I have an urgent meeting."] He end the call. Wala man lang pag-aalala. Wala man lang i love you?
Hay. Ano bang nangyayari?
Next ko namang tinawagan ay si Kent. Pero bago pa niya masagot ay nakita ko na ang kambal kaya agad kong ni-cancel ang tawag.
"NIMO! TRAVIS!" Dali dali akong napatakbo sa kanila na palabas ng school. Mukhang hindi nila ako narinig.
Mas binilisan ko ang takbo ko dahil nga sa palabas na sila ng gate. Bakit sila lumalabas ng wala silang sundo?
"NIMO! TRAVIS!" Pag-ulit ko ng tawag sa kanila pero hindi nila ako naririnig.
Nakalabas na sila ng gate at medyo malayo na samantalang ako kakalabas lang.
"MGA ANAK!" Mas nilakasan ko ang tawag ko pero hindi nila ako naririnig. Kelan pa naging bingi ang mga anak ko?
"NIMO CLAINE! TRAVIS DAINE." Sigaw ko'ng muli.
At sa wakas naman lumingon na sila sakin. Medyo kumalma na ako at naglakad papalapit sa kanila.
"Bakit kayo lumabas ng school ng wala kayong sundo?" Tanong ko habang naglalakad papalapit sa kanila.
"Diba bilin ko sa inyon--- San nyo dadalhin ang anak ko!" Napatakbo akong muli ng may humintong van tapat ng kambal at binuhat sila papasok sa loob. Todo ngawa naman ang kambal.
"MGA ANAK KO! DAMN!" Patuloy pa 'din ako sa pagtakbo habang umiiyak. Mas bumilis ang pagtakbo ng van kaya mas binilisan ko 'din ang takbo ko pero bigla akong nadapa dahil sa sobrang pagod sa kakatakbo.
"Miss ok lang?" May lumapit saking lalaki na hindi ko kilala.
"Yung mga anak ko...nakidnap." patuloy pa 'din ako sa pag-iyak sa gitna ng kalsada kung san ako nadapa. Napansin kong may sugat ang tuhod ko dahil sa pagkakadapa.
"Miss walang mangyayari kung iiyak ka lang. Siguradong tatawagan ka ng mga iyon para manghingi ng ransom money."
"Kaya kong magbigay ng kahit magkano..kahit ano..kahit ang buhay ko. Basta't wag lang ang mga anak ko." Mas lumakas ang paghagulgol ko dahil sa mga naiisip kong pwedeng mangyari.
BINABASA MO ANG
CFW 2: For Real [COMPLETED]
Romance[UNEDITED: Sorry for misspelled,typos,wrong grammar,etc.] Casanova's Fake Wife: For Real Ayesha and Trevor story. May pag-asa pa ba kung nakalimutan na niya ang lahat? Ipaglalaban mo pa ba kung kinalimutan ka na niya?