CFWFR 23 ♥ You're mine

7.7K 200 2
                                    

CFWFR 23 You're mine

Ayesha's POV

I can't explain what i feel. Pumayag ako na halikan niya ako,feeling ko kung may anong bagay ang nagtulak sakin para mag response sa mga halik niya. I felt something in my stomach. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

His kisses...

Iba. Parang naramdaman ko na dati. Kusang may tumulong luha sa mga mata ko dahil biglang sumakit ang ulo ko nung hinahalikan niya ako. Naaalala ko yung lalaking blur. Hindi kaya siya 'yon?

Ganon ba siya kaimportante sakin? Sino ba siya sa buhay ko?

"Kent." Lumapit ako kay Kent na nasa veranda at nagkakape habang nakatutok sa laptop. Masipag talaga siya magtrabaho.

Yung kambal naman nasa garden kasama yung mga kaybigan ni Travis na sina Kenzo at Grayson pati yung bestfriend ni Nimo na si Tiffany.

Sa kilos ng batang si Tiffany,alam ko na may gusto siya sa anak kong si Travis. Wala siyang dapat ipag alala dahil kahit bata pa lang silla,boto na ko sa kanya. Alam kong magiging mabuti siyang babae kapag laki nila.

"Yes?" Tanong niya habang nakatutok pa din sa laptop.

Medyo ok na din ang pakiramdam ko dahil nakainom na ako ng gamot. Tatlong araw na ang lumipas nung nangyari 'yon pero hindi ko pa rin makalimutan. Bawat detalye ng pangyayari naaalala ko.

Umupo ako sa tabi niya at dinadama yung hangin na tunatama sa mukha ko kaya nililipad ang buhok ko. Feeling nasa music video ako ngayon. Hahaha.

"Can i ask something?"

"Sure." Sinarado niya yung laptop niya saka uminom ng kape at tumingin sakin.

"Kent. After that day,hanggang ngayon hindi ko pa din yon nakakalimutan." Alam niya ang nangyari. Kinuwento ko sa kanya. I know it's my privacy. Pero komportable akong magkwento sa kanya na parang babae lang ang kausap ko. I treat him as my bestfriend.

"Kung ikaw ang tatanungin ko. Sa tingin mo,ano siya sa past mo? Base sa mga nararamdaman mo ngayon."

Ano nga ba siya sa nakaraan ko? "Sa tingin ko. Isa siyang importanteng tao na kasama sa nakaraan ko na nakalimutan ko. Pero hindi lang siya basta importante. Naguguluhan ako." Sa totoo lang,hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

"Anong nararamdaman mo kapag nandyan siya?" Seryosong tanong niya.

"Madami akong nararamdaman kapag nandyan siya."

"Like what?"

"Sobrang saya ko. Feeling ko safe ako kapag kasama siya. Kahit nakaupo lang kami nag eenjoy ako. Kapag nakikita kong kalaro niya ang kambal tuwang tuwa ako. At nung hinalikan niya ako...hindi ko alam...pero..gusto ko." I feel embarass sa last na sinabi ko. Pero ayoko naman magsinungaling dahil gusto ko talaga.

He chuckled. "Psh." I rolled my eyes. Nahihiya tuloy ako.

"Hahaha. May pagka pervert ka din pala Yesh."

"Tigilan mo nga ko."

"But seriously,i think you need to spent time with him."

"Why?"

"Kasi mas makakatulong kung ikaw mismo ang makakaalala kung sino ba talaga siya. Kung ano ba siya sa buhay mo. Dahil mas maganda kung ikaw mismo ang makakaalala at hindi dahil sa sinabi ko lang."

He's right.

*KRING*

Kinuha ko yung phone ko na nakapatong sa tabi ng laptop ni Kent.

1 message received.

Tinignan ko yung sino yung nagtext.

From: Trevor

You're Mine. I love you wife.

Shit! Kinikilig nanaman ako. Ano ba 'to? Tch. Ang landi ko,may anak na ako. Nako Ayesha tigilan mo 'yan.

Mag rereply ba ko?

Anong sasabihin ko?

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone dahil sa sobrang kilig. Parang lahat ng dugo ko umakyat na sa ulo ko.

"Tch. Masyado ka ng kinikilig."

"Halata ba?"

"Hindi naman masyado. Namumula ka lang naman ng sobra tapos yung cellphone mo lang naman kawawa na. Hindi halata diba?"

Kyaaaah! Ano ba kasing nangyayari sakin?

_
Trevor's POV

"Sir you have a meeting with Mr.Castro later at 2pm." Sabi sakin nung secretary ko.

Nakatitig pa rin ako sa phone ko. Kanina pa ko type bura ng type bura. Fvck! Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ayesha.

"Damn! Cancel it!" Seryoso pa din akong nakatingin sa cellphone ko. Ano bang sasabihin ko?

Good morning wife. How my babies? I love you. :*

Damn! Ang korni.

Bura.

Hi wife. Hubby loves you :* <3

Shit! Ang jologs.

"But Sir! Importante po ang meeting niyo kay Mr.Castro dahil gusto niya pong bigay ng share sa kompany--"

"Fvck! I don't need his money. Get out!" Dali dali namang lumabas ng office yung secretary ko.

Bad trip. Istorbo eh,kanina pa ko nababaliw kung anong sasabihin ko kay Ayesha.

To: Wifey <3

You're mine. I love you wife.

Simple. Pero sana naman kiligin siya! At oo wifey ang pangalan niya sa contacts ko. Why not? She's still my wife and we had 2 kids.

Ano kaya kung pumunta ako sa mansion nila? Tutal saturday naman at walang pasok yung kambal. I want to spent time with them- i want to spent my whole life with them. With my wife and kids. With my family.

Kinuha ko yung susi ng kotse na nasa table. Pupunta ako sa mansion,isusurprise ko ang kambal. Pero dadaan muna ako ng mall para ibili sila ng pasalubong.

Alam kong namimiss na nila ang gwapo nilang Daddy.

CFW 2: For Real [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon