*Keys*
Mikey's POV
Halos kumpleto na ang tao dito sa loob ng classroom ngunit wala pa rin si Patricia.
Kanina pa namin sya inaantay.
"Mikey? Nakita mo ba si pat?" tanong ni Sofia sa akin.
"Hindi nga eh." dismayadong sagot ko sa kanya.
"Nasaan na ba ang babaeng iyon? Tinawagan ko na ang parents nya pero ang sabi hindi daw umuwi. Tsaka andyan sa parking lot yung kotse nya. "
"Nasaan na ba sya? Tara, mag libot tayo. "
Ayon nga ang ginawa namin ni Sofia. Naglibot kami upang hanapin si Patricia.
Kung hindi sya umuwi, saan sya natulog?
Kung nandyan ang kotse nya, asan sya?
Mga katanungang walang makapag bigay sa akin ng kasagutan.
Napadpad kami ni Sofia sa pinaka baba ng building. Maraming kwarto dito. Mga office ng teachers pero yung isang kwarto, abandonado na.
Nasa tapat kami ng kwartong iyon. Parang may kakaibang tunog.
Parang isang dasal na hindi mo maintindihan.
Pinilit kong intindihin.
'Ang dugo at kaluluwa mo ay akin. Lahat ng sayo ay magiging akin. Bigyan ako ng sapat na lakas upang makuha ang lahat ng nanaisin.' Yaan ang binibigkas kaso may kadugtong pa ito.
Parang sumasamba sa isang demonyo.
Bigla naman akong kinilabutan sa aking naisip.
Nag ring na ang bell, hudyat na kinakailangan na naming bumalik sa classroom.
Pag akyat namin at nag a-attendance ang aming prof.
Nagtaka kami nang hindi nya banggitin si Patricia.
Alam na ba agad nyang absent ito?
Hindi ako nagdalawang isip na tumayo sa aking kinauupuan at mag tanong sa aming guro.
"Ma'am, bakit nyo po nilagpasan si Patricia? " tanong ko.
"Is she here? "
"Wala po. Pero alam nyo na po iyon agad? "
Wala syang naging sagot sa akin.
Napag pasyahan kong umupo na lamang muli.
Hindi ko alam kung ano bang nangyayari.
Bakit ganito?
Natapos ang aming klase at napagdesisyunan ko ng umuwi.
Malapit na ako sa aking sasakyan ng kapkapin ko ang aking bulsa ay wala roon ang aking susi.
Naiwan ko lang siguro sa room.
Kaya pumunta sa lang akong muli sa aming classroom.
Bakit ang dilim kaagad? Eh kauuwian lang ah?
Tsk. Mamaya mapatid pa ako nito eh.
Sa wakas at nasa tapat na ako ng room namin.
Pipihitin ko na sana ang pinto nang may bigla akong naramdaman na kumikirot sa batok ko.
Shit! Ano to? Dugo!
Sino namang hayup ang gumawa nito? Eh sa pag kakaalam ko, ako lang ang tao dito.
"Ahh, ang sakit!" inda ko.
Naupo na muna ako sa upuan sa loob ng room namin.
Sinubukan kong buksan ang ilaw kaso ayaw nito mag bukas.
Maya-maya pa'y nararamdaman kong palakas na ng palakas ang agos ng dugo sa aking katawan.
Hanggang sa may nag takip ng aking mga mata.
Agad akong dumipensa. Pero ang lakas nya. Kahit babae sya.
Sino ka ba kasi?!
Fvck! Ang sakit!
Hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin.

BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...