*Beginning*
Her POV
Ito na ulit ang simula.
Hahahaha!
Humanda na kayong muli!
**
3rd Person's POVNag punta syang muli sa likurin ng bahay at parang mayroon syang tinitignan roon.
Matapos nyang tignan ay muli syang nag balik sa hapag kainan kung saan kumakain ang kanyang mga kasama.
Umakto sya na para bang wala lang.
Habang ang lahat ay napaka inosenteng kumakain.
Matapos kumain ng lahat ay nag ligpit sila at dumiretsyo sa sala at nanood sila ng isang "horror movie".
Nang dahil sa ito nga ay horror nakapatay ang lahat ng ilaw sa loob at labas ng bahay tanging ang nag bibigay liwanag lang ay ang liwanag na nag mumula sa telebisyon.
Nang ito'y nakarating na sa kalagitnaan ng movie ay naiihi raw ang isa sa kanilang mga kasama at ito rin ang naging dahilan ng pag ihi nito sa banyo at buksan ang ilaw rito.
Kaso nga lang ay tanging ilaw lamang sa banyo ang nakabukas.
Maya-maya pa ay nagulat na lamang ang babae nang biglang mamatay ang ilaw ng banyo at ito ang naging dahilan ng pag tili nito. Ngunit ni isa sa kanilang kasama ay walang pumansin sa kanya.
Nagulat na lamang sya nang may biglang nag takip sa kanyang mga mata atsaka siya hinila patungong likuran na bahagi ng bahay.
**
Angelus' POV"Huy, guys?" panimula nitong sabi sa kanyang mga kasama.
"Kanina pa wala si Sofia a?" dugtong nito.
"Ha? Oo nga no?" sagot ng ilan sa kanyang mga kasama.
Kaya nag punta sila ng banyo marahil ito lang naman ang huling paalam nito sa kanila.
Ngunit pag tungo nila roon ay wala namang katao- tao.
Nag hanap pa sila ngunit wala.
Kaya umakyat na lamang sila sa kanilang mga kwarto sa itaas na bahagi ng bahay.
**
Sofia's POVNagulat ako nang may biglang nagtakip sa aking bibig at hinila ako patungong likuran ng bahay nila Angelus.
Sinubukan kong kumawala sa kung sino man ang kumuha sa akin ngunit ang lakas nya. Di ko kayang kumawala sa kanya.
Masyado syang mapwersa.
Babae sya. Nararamdaman kong babae sya.
Hanggang sa nakarating na kami sa likod ng bahay atsaka nya ako itinali sa isang poste roon sa loob ng isang maliit na kwartong parang taguan ng mga lumang bagay.
Nang makita ko kung sino sya ay doon na akong muling sumigaw.
"Ikaw?!" sigaw ko sa kanya.
"Oo ako nga ito. Bakit?" mahinahon nyang sagot sa akin.
"Wala kang puso! Akala pa naman ay isa kang mabait na tao! Bakit mo ba ito ginagawa?!" umiiyak kong sabi.
"Bakit? Simple lang. Kasi unang una, gusto ko kung ano man ang aking mga ginagawa. Pangalawa, may galit ako sa inyo. Pangatlo, masaya ako sa amoy at kulay ng inyong mga sariling dugo. At pang apat, huwag ka ng masyadong maraming tanong kasi baka matuluyan na kita kaagad dyan sa kung saan ka man nakatali ngayon!"
Hindi na ako umimik.
Natatakot na ako.
Natatakot ako sa kung ano man ang mga posibleng gawin nya sa akin.
Natatakot ako sa mga posibleng mangyari.
Takot ako sa kamatayan.
Ayoko pang mamatay.
Umiyak lamang ako ng umiyak.
Nagulat na lamang ako nang bigla syang sumigaw.
"Ang ingay mo! Punyeta!" galit nyang sigaw sa akin sabay tinutukan nya ako ng isang baril.
Lalo lamang ako natakot at umiyak.
Ang lakas na ng aking hagulgol.
"Ang ingay moooo!" Ayan na lamang ang aking huling narinig matapos nyang iputok ang kanyang hawak na baril sa aking sentido.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...