*Burn*
Jake's POV
Halos mag aapat na linggo na kami dito sa klase pero ang tahimik pa rin ni Ms. Beautiful.
Bakit kaya? Nahihiya naman akong lapitan sya.
For your info, di ko sya gusto. I'm just wondering kung bakit sya ganyan.
Laging nakayuko.
Hindi ngumingiti.
Pero nakakasabay sa klase.
May isa lang akong napansin sa kanya. Yung mga mata nya. Ang ganda nong mga iyon.
Hindi ko alam kung naka contact lenses lang ba sya o ano? Pero ang ganda.
Pero sa ilang linggo naming mag kasama sa room parang may mga nangyayari na hindi kayang ipaliwanag ng lahat.
Ultimo mga guro ay hindi kami sinasagot.
Ano nga bang meron sa unibersidad na ito?
Sa building na ito?
Sino sya?
Lahat ng tao sa room at ganyan ang mga pinapahayag na katanungan.
Miski ako.
Ilang minuto na ang lumilipas ngunit wala pa rin ang aming prof. Kaya napag desisyunan kong lapitan si Ms. Beautiful o si Maxene.
Tumabi ako sa kanya.
Bago mag salita...
"Hmm? Maxene, right? "
Tumingin sya sakin at tumango.
"Ahm, pwede mo ba akong maging kaibigan? "
Tinitigan nya lang ako. Yung mga mata nya.
Binibigyan nya ako ng isang hindi pag sang-ayon na tingin.
Napalunok ako.
"Ah sige, okey lang kung ayaw mo. Sige, una na ako. "
Yun na lamang ang nasabi ko sabay tayo at umalis naman sa kanyang tabi.
Ang weirdo nya. Nakakatakot sya. Parang anytime pwede nya akong kainin sa mga tingin nya.
"Jake? " tawag sakin ni Sofia.
"Oh? "
"May naaamoy ka ba? "
"Ha? " sabay singhot ko.
"Meron ba? " pag uulit nya.
"Oo, parang amoy nasusunog. "
Naalarma ang lahat maliban kay Maxene. Parang wala lang sa kanya ang naaamoy namin.
Luminga - linga kami upang tignan kung saan nanggagaling ang amoy na iyon.
Nagulat ang lahat ng makitang katabing building namin ang nasusunog.
Talagang katapat namin.
"Guys! Lahat ng gamit nyo kunin nyo! Dito tayo dadaan! " malakas ba sigaw ng class president sabay turo sa fire exit.
agad na kumilos ang lahat ngunit wala pa ring kibo si Maxene.
Shit! Di ba sya natatakot?
Ano ba naman tong babaeng to?
"Maxene! " sigaw ko.
Tiningnan nya lang ako.
"Wala ka bang gagawin na pag kilos diyan?! Halos lahat natataranta tapos ikaw parang wala lang? " sigaw ko ulit sa kanya.
Nung sinabi ko yun doon pa lang sya tumayo at sumunod sa amin.
Nakalabas na kaming lahat at ligtas naman kami.
Ligtas rin ang aming building. Buti nga't naagapan kaagad. Kung hindi ay baka wala na kaming gagamiting building at room.
Tinignan kong muli si Maxene.
Parang may kakaiba talaga sa kanya eh.
--
On going..
Please vote, comment and share.-shlmbrnrd
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...