*Announcement and Safety*
Jeremiah's POV
Nang maayos namin ni George ang mga gamit namin sa ikalawang palapag ng bahay niya ay bumaba na kami upang kumain. Pero habang nag lalakad kami patungo sa dining area ay mayroon kaming narinig na ring ng isang cellphone--- cellphone ni Angelus iyon.
Kaya naman agad ko syang tinanong nang dapat ay sasagutin nya na ang tawag. Pinigilan ko sya nang napag alaman ko kung sino iyon.
Maya maya pa ay salita na si James pamutol sa aming usapan, nag sasabing kami raw ay umupo at kumain na. At ayon nga ang aming ginawa.
Matapos naming kumain ay agad ko na silang pinatungo sa loob ng isa sa mga kwarto rito sa loob ng bahay ni George.
Eto na yon, para ito sa kaligtasan naming lahat. Bago pa ako maunahan ng babaeng iyon ay uunahan ko na sya. Sasabihin ko na sa kanila kung sino ang pumatay sa aming mga kasamahan at kaibigan.
Nang alam kong lahat na sila ay nasa loob na ng kwarto ay susunod na sana ako nang biglang mayroon akong narinig na bumusina at nag parada sa may paradahan sa likod ng bahay ni George.
Yung sasakyang iyon.
Agad akong nakaramdam ng kaba. Ayun ang sasakyan ng babaeng mamamatay tao. Paano naman nya nalaman na nandito kami?
Nakita ko si Angelus na sasalubungin ang babae.
Ugh! Pasaway na babae!
Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto atsaka sila tinignan at ako naman ay nag babala sa kanila.
"Wala kayong sasabihin sa kanya tungkol sa kung ano man ang ating mga napag usapan. Clear?"
"Clear!" Mahinang sagot ng lahat.
Si Angelus ang problema ko ngayon. Hindi ko na muna sya isasali sa lahat ng aking plano para mapuksa ang babaeng tinuturing nyang kaibigan.
Matapos non ay sinasabihan ko silang mag ayos na ng mga kani kanilang sariling gamit sa mga kwartong maaari nilang tulugan pansamantala. Ang aking problema ngayon ay ang kung paano ko sila masasabihan gayong kasama namin ang pumapatay.
Kailangan kong mag plano. Kung kinakailangang mag damag akong gising upang ma-protekta-han sila ay aking gagawin.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...