Chapter Forty- Nine

32 3 1
                                    

*The Last One*

Myka's POV

"James, parang ang tagal naman ata ni George?" Biglaang tanong ko kay James dahil sa halos mag kakalahating minuto na syang wala at kami ay patapos ng kumain.

"Oo nga no? Teka, puntahan ko sa banyo." Sabi naman ni James kaya naman hinayaan na lamang namin syang tumungo sa banyo upang tignan kung nandon ba si George.

Habang nag aayos kami ng gamit ng aking kasamang babae ay natanaw namin si James na papalapit sa amin.

"Oh? Bakit parang hingal na hingal ka?" Tanong ko kay James.

"Ayaw nilang mag papasok sa loob ng banyo ng mga lalaki. Mayroon daw'ng bangkay ng lalaki."

Sa sinabing iyong ni James ay biglang nag sitaasan ang aking mga balahibo at kinabahan ako ng sobra. Naestatwa ako sa aking kinatatayuan.

"K-a-ila-n-ga-n n-nati-n i-yo-on ma-k-it-a." (Kailangan natin iyon makita.) Pautal utal kong sabi sa kanila. Malakas ang kutob ko pero huwag naman sana.

Agad akong tumakbo patungo roon sa nasabing banyo at hindi pa nag abalang mag paalam sa kanila.

"Myka!" Naririnig kong sigaw ni James sa aking pangalan, simbolong ako ay kanyang tinatawag.

Pero hindi ako lumilingon.

"Myka! Teka nga! Myka!" Pag tawag naman sa akin ng babaeng kasama namin.

Nang makarating na kami roon ay pinilit kong isiksik ang aking sarili sa kumpol ng mga tao makapasok lamang sa loob ng banyo. Pag kapasok na pag kapasok ko pa lamang ay agad na akong napaluha. Sabi na eh, ito na ang ikinatatakot ko. Hindi ako maaaring mag kamali. Si George iyon. Ayun ang kanyang soot na damit. Suot nya ang relong iniregalo naming grupo sa kanya.

Hindi ko na kinaya kaya naman lumabas ako ng banyo at malungkot na lumapit sa aking mga kasama.

"B-akit?" Nag aaalalang tanong ni James.

"Hindi ako nag kamali. Siya nga iyon. Ang sakit." Sabi ko habang umiiyak.

"Pa-pan-ong?" Paputol putol na sabi ng aming babae na kasama.

Tumawag kami ng maaaring mag ayos sa aming kaibigan upang ito ay agad na ring madala sa kanyang pamilya. Tinawagan na rin namin ang kanyang pamilya.

Ang sakit para sa amin na yung matagal na naming kaibigan na halos lahat ay ginagawa ngayon ay wala na. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isa na sa amin ang isunod ng pumapatay.

Kung uubusin man nya kami. Huwag naman sana ngayon. Ang sakit sakit ng pag kawala ni George, madadagdagan pa? Sana naman ay hindi mapahamak sina James at --- ang babae naming kasama a kaibigan rin namin.

Sino ba kasi ang pumapatay?!

Putangina! Hirap na hirap na kami.

Hinila na ako palabas ni James at isinakay sa loob ng dala naming sasakyan. Iyak pa rin ako ng iyak. Hindi ko matanggap na parang kailan lang ang saya saya naming lahat na buo pa at mag kakasama ngunit ano na itong nangyayari sa amin ngayon? Unti unti na kaming nauubos at mauubos.

Nang maihatid na ako nina James at ni---- Kaye ay agad ko silang pinigilang umalis.

"W-ag muna kayong umalis. Kung saan kayo sasama ako. Ayokong mapag-isa." Sabi ko sa kanila.

"Sige. Sumama ka na lamang sa amin at tingin ko rin naman ay hindi na tayo matutuloy sa kanya kanya nating bakasyon na ating pinlano." Sabi naman ni James.

Agad naman kaming sumakay muli sa loob ng sasakyan.

Medyo malayo pa ang aming inabyahe dahil na rin sa malayo ang bahay nina James. Oo, sa kanila namin binabalak na lumagi sa ngayon.

Nag stop over muna nang mga naka ilang oras na kaming byahe.

Nag stop over kami sa isang gasolinahan at may mga convinience store sa likod ng gasolinahan.

Bumaba kami upang pumunta muna sa loob ng convinience store at mag pahinga saglit at upang kumain na rin.

Maya maya ay nag paalam ako sa kanila na sa mag papahangin lamang ako dahil sa medyo pagod na rin naman ako at ayun na nga, lumabas ako ng convinience store at pumuwesto sa isang gilid na wala gaanong tao.

Ang tahimik.

Ang lamig ng hangin.

Sa kalagitnaan ng aking pag iisip ay biglang nag takip sa aking bibig ng panyo at hinila ang aking buhok. Sapat na dahilan upang ako ay bumagsak at mawalan ng malay.

3rd Person's POV

Matapos mawalan ng malay ng babae ay agad nya itong ginilitan sa leeg matapos ay kumuha sya nga isang maliit na kutsilyo at inunti unting sirain ang mukha ng babae.

Inilabas ang mga mata.

Hiniwa at pinutol ang dila.

Hiniwa hiwa ang mga labi.

Hinati sa gitna ang ilong.

At huli..

Nilagyan ng krus sa noo.

James' POV

Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung ano ang ginagawa ng babae kay Myka.

Wala syang awa.

Pinaslang nya na si Myka.

Ilang minuto bago sya mawala ay nakita kong mayroong babaeng sya ang dala dala kaya naman ito ay aking sinundan at ito na ako ngayon.

Hirap na hirap sa aking mga nakikita.

Totoo ba ito? Ang lahat ng ito?

Nang alam kong itatapon na lamang nya ang bangkay ng aking kaibigan ay tumakbo na ako palayo upang puntahan si Maxene.

Kailangan ko na syang mabalaan sa lahat ng nangyayari.

Baka bukas makalawa ay kami na ang maisunod nya.

Baliw na ang babaeng pumapatay na iyon!

Habang tumatakbo ay agad kong tinawagan ang isa sa nga contacts sa mental hospital.

"Doc?" Tawag ko sa doctor na sumagot ng aking tawag.

"Oh? Bakit hijo?"

"May ipapamental po sana ako."

"Sige, sabihin mo na lamang sa akin ang address at papatunguhan ko sa aking mga bata dito."

"Salamat po."

Iyon lamang at agad ko ng itinext sa kanya ang buong address ng lugar.

Hindi pa rin ako mapakali kaya naman isinama ko na lamang si Maxene at sabay kaming nag bantay sa lugar kung nasaan ang babae.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon