*By Himself*
Jeremiah's POV
Nagising ako ng nasa loob ng isang... kwarto? Teka, akala ko ba ay isa lamang itong bahay at walang kwarto o kung ano pa man? Di kaya nasa ibang lugar na naman ako? Nasaan na ang gumawa at nag lagay sa akin dito?
Sobrang sakit sa mata ng liwanag na nang gagaling sa labas.
Nasaan na ba kasi ako?
Isang maliit lamang itong kwarto pero medyo madaming gamit. Kinalkal ko ang bawat sulok ng kwarto, ilalim ng nag iisang cabinet, ang loob nito. At sa wakas nakakita ako ng lagaring pang-bakal. Napansin ko kasing parang isang kulungan ng tunay na preso ang gate o pinto ng kwartong ito at naka lock lamang ito ng isang normal na lock ng mga gate.
Ito ay naka kadena pa. Siguro ay para sa hindi ako makatakas pero ito ang isinisigurado ko sa lahat. Makakagawa ako ng sarili kong paraan upang makatakas sa mga pakana ng babaeng minsan kong kinaibigan at pinag katiwalaan ngunit ito ang ginawa sa amin, sa akin. Isa syang demonyo. Hindi ako maaaring walang gawin. Ako na lamang ang pag asa ng aking mga kaibigan. Ako ang nakaka alam kung sino sya at kailangan o itong sabihin sa kanila nang sa ganon ay mabalaan ko sila.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad ko ng ikiniskis ang lagari sa kadena at padlock.
Ilang minuto rin ang aking inabot para masira ang dalawang bakal na iyon nang sa wakas ay nasira na ito at nakalabas ako.
Matapos lumabas roon ay agad akong pumunta sa mismong pintuan palabas ng bahay. Mukhang wala sya rito. Nasaan kaya sya? Pero hindi na iyon mahalaga pa. Ang mahalaga ay ang makatakas ako rito sa lugar na ito at masabihan ang aking mga kaibigan.
Susi ang kailangan sa door knob. Saan naman ako kukuha ng susi na susukat dito sa door knob na ito? Pwede kaya rito ang tingting o kahit anong uri ng isang matulis at payat na bagay?
Sinubukan ko ang isang bakal na maliit at sakto lamang sa butas ng door knob at laking pasasalamat ko nang iti ay bumukas ng walang kahit anong hirap kong ginawa.
Nang ako ay makalabas na ay agad kong ni-lock ang pintuan nang sa ganon ay hindi mahalata ng gumawa sa akin nito na wala na ako sa loob ng bahay nya na kung saan nya ako dinala.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakita ko ng may daanan na ng mga sasakyan yun bang simento. Sa di kalayuan ay mayroon akong nakita na isang tricycle at wala naman itong sakay kaya naman agad akong tumakbo papalapit roon. Nang makalapit na ako agad akong nag tanong kung nasaan ba ako.
"Ahm, maaari po bang magtanong sa inyo kung anong lugar ho ito?" Magalang na tanong ko sa isang lalaki.
"Nasa Bulacan ka hijo." Sabay ngiti nito sa akin.
Bulacan? Ang layo ko naman pala.
"Saan ho ba dito ang sakayan patungong Maynila?"
"Nako, hijo, kung nanaisin mong matungong Maynila ay dapat kanina ka pa lumabas riyan. Malayo tayo roon. Siguro ay isang oras ang byahe kung ikaw ay mag sisimula na ngayon."
Paano na ito ngayon? Paano kung maya maya lamang ay dumating na ang babaeng may gawa sa akin nito?
"Maraming salamat ho. Mauna na ho ako. Tsaka nga po pala, kapag bumalik na iyong babaeng nag pupunta riyan sa lumang bahay sa may dulo kapag sya ho ay nag tanong paki sabi na lamang na wala ka hong alam. Salamat ho."
Binigyan lamang ako naguguluhang tingin ng lalaki atsaka naman akong nag lakad pasalungat sa lugar kung saan sya naka harap.
![](https://img.wattpad.com/cover/64677646-288-k323067.jpg)
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...