Chapter Nineteen

45 4 0
                                    

*Plans*

Myka's POV

Napansin naming unti- unti ng kuma kaunti ang aming mga kaklase.

Lalo na ang isang miyembro ng aming grupo---- si Sofia.

Lubusan ang aming pag kaka lungkot nang sya ay mamatay.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga kwarto dito sa bahay nila Angelus.

"Guys, kailangan na nating gumawa ng plano upang malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa ating kapaligiran."

Paninimula ni Jeremiah.

"Pero saan tayo mag sisimula?"

Nag tataka ko namang tanong sa kanila.

"Saan? Kung sino ba ang unang nawala." malamig nitong bigkas sa kanyang mga letrang binitawan.

"Patricia." sagot naming lahat.

"Mag iisip tayo ng paraan kung paano natin malalaman ang mga nangyari sa mga nakaraang mga araw, linggo at buwan."

"Pero hindi natin alam kung saan ba nangyari ang lahat ng mga naganap. Paano natin iyon malalaman?" tanong Maxene.

"Oo nga." pag sang ayon ng lahat.

"Anong silbi ng mga CCTV camera sa eswelahan natin?" sagot ni Angelus.

"CCTV? Tama. Teka, eh paano naman kung ito ay pinutol o tinggalan ng linya sa computer ng mga gumawa ng mga nangyari?" tanong ni Jake.

"Diyan na natin malalaman ang lahat." sagot sa kanya ni Jeremiah.

**
3rd Person's POV

Matapos nilang mag usap ay hindi na sila nag dalawang isip pa na ayusin na ang lahat ng kanilang mga gamit at ito ay dalhin na marahil nga sa gusto nilang malaman ang lahat ng nangyayari sa kanilang paligid.

Wala na silang inaksayang oras pa at sila ay bumiyahe na pa-Maynila.

Ilang oras rin ang kanilang inabot at nakarating na rin sila sa kanilang eskwelahan.

Walang masyadong tao roon marahil na rin sa bakasyon nga.

Matapos maparada ang kanilang dalang sasakyan ay nag punta sila sa Main Office ng unibersidad at tinunguhan ang CCTV Operator nito.

"Ahm, excuse us po?" magalang na sabi nila matapos makaharap ang nag ooperate ng CCTV.

"Ano yon?"

"Pwede po ba naming makita ang whole CCTV videos ng buong school year?"

"Bakit?"

"May gusto po kasi kaming malaman. Pag katapos po naming mapanood ay pangako po naming hindi kami manggugulo." mahinahon nilang saad.

"Sige, eto lang ang inyong gagawin upang mapanood ang mga videos." sabi ng operator sabay turo ng mga direksyon sa kanila.

"Maiwan ko na muna kayo." huling sabi ng operator bago lumabas ng kwarto.

Nag madali silang mahanap ang lahat- lahat.

Nang biglang sumingit ang isa sa kanilang mga kasama.

"Ah! Teka, mali yang pinipindot mo. Eto yung dates oh." tila ba kinakabahan nitong saad sa may hawak ng mouse ng computer.

"Paano mo nalaman?" nag tatakang tanong nito sa kanya.

"Ah, nakita ko lang."

At doon ay nag patuloy sila sa pag hahanap.

Lumipas ang mahigit kalahating oras ngunit wala pa rin silang nakikitang ebidensya.

Hanggang sa huling video na lamang ay wala pa rin.

Kaya naman sawi silang naka hanap ng ebidensya sa CCTV based areas.

Pero isa lang ang ikinatataka nila.

'Paano nya nalaman ang lahat ng iyon?'

Matapos silang iligaw sa mga files ng isa nilang kasama.

Sila ay mali ng hinanapan ng file marahil na rin sa pag pigil ng isa sa kanilang kasama.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon