*The Return*
Her POV
Nakita kong nag su-swing si Angelus sa may garden ng bahay nila Myka. Binalak ko na syang lapitan ngunit naunahan ako ni George. Ilang minuti rin ang kanyang tinagal roon. Kaya nang makaalis sya ay nag antay pa ako ng ilang saglit at nang tumayo mula sa pag kakaupo si Angelus ay agad na akong lumapit sa kanyang likuran atsaka ipinuwesto ang isang panyong may pampatulog at pang pawala lakas sa kanyang ilong at bibig.
Ilang segundo rin syang nag pupumiglas. Per bandang huli ay sumuko na rin sya at tuluyan ng bumagsak sa sahig ang kanyang katawan.
Agad ko naman syang hinila patungong likod ng bahay. May ginawa kasi akong isang maliit na lagusan roon upang makalabas masok ako dito sa bahay na ito. Doon kami dumaan at laking pasasalamat ko nang walang nakakita sa amin.
Dumiretsyo ako sa dala kong sasakyan at ipinasok roon ang aking biktima.
Hindi maaaring mag karoon kayo ng magandang bakasyon.
Agad ko ng pinaandar ang aking sasakyan upang makaalis na sa lugar na iyon bago pa may makakita sa amin.
Agad na akong nag maneho patungo sa aking bahay sa Laguna at doon ko sya balak pahirapan.
Humanda kayo!
--
Nandito na kami sa aking bahay sa Laguna. Tulog pa rin sya. Pero alam ko maya maya lamang ay magigising na sya. Tatlong oras lang kasi ang bisa ng gamot na iyon kaya mawawala na rin ang bisa non maya maya lamang.
At tama nga ako. Gising na sya ngayon.
"Nasaan ak--" naputol ang kanyang sasabihin nang makita nya ako. Gulat ang kanyang mukha.
"Miss me, my dear?" Naka ngiti kong sabi sa kanya. Ngiting ayaw mong makita mula sa akin.
"Anong gagawin mo sa akin?!" Naka sigaw nyang tanong sa akin.
"Bakit ka sumisigaw? Chill." Mahinahon ngunit mapang asar kong sabi sa kanya.
"Pakawalan mo na ako!"
"Ooppps! Oo nga pala, naitali kita dyan sa poste. Hahahaha. Nakakatawa at nakakaawa kang tignan." Mapang asar ko na sinabi sa kanya habang naka ngisi.
"Ugh!" Naiinis naman nyang sabi.
"Nakakatawa ka talaga!" Sabi ko habang tumatawa ng nakakaloko.
Naiinis na sya. Konti na lang. Pag lalaruan na muna kita ng gamit ang mga salita. Mamaya na ang mga gamit na hindi mo nanaisin na makita.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...
