*Moving on*
Angelus' POV
Ilang linggo na ang lumipas mula ng mamatay si Sofia.
Unti-unti na rin naming kinakalimutan ang nangyari.
Kung sino ang gumawa non sa kanya? Hindi pa rin naman alam.
Mas pinili na lamang kasi naming tumahimik kaysa naman sa mag ingay at kumalat pa ang balita.
Kami ay nalulungkot para sa aming kaibigan.
Habang ako ay nakaupo biglang bumalik sa isipan ko ang lahat.
*Flashback*
Nanonood kami ng horror movie ng aming mga kasama. Nang biglang nag paalam ni Sofia sa amin na mag babanyo lamang marahil sa naiihi na raw sya.
Maya maya pa ay may narinig tili mula sa loob ng aming banyo.
Ngunit ang aming kamalian ay hindi namin iyon pinansin.
Dahil nga sa aming akala isa lamang ito sa mga pranks sa amin ni Sofia.
Sumigaw pa nga si Maxene ng...
"Hoy, Sofia! Hindi mo na kami maloloko!"
At doon namin sya sinang ayunan.
Ngunit natapos na namin ang buong movie at lahat ay wala pa ring Sofia na nag papakita sa amin.
Nag taka na kami.
Hinanap namin sya sa buong bahay ngunit bigo kami na makita sya.
Kaya naman napagdesisyunan naming matulog na lamang sa pag aakalang naka nag tatago lang si Sofia.
Pero mali pala kami.
Maya maya pa matapos naming umakyat ay biglang sumigaw si Jeremiah.
Laking gulat ko ng marinig at maintindihan kung ano ang kanyang sinasabi.
"Angelus! Angelus! Si Sofia!"
Kinakabahan at natatakot nyang sabi.
"Ano? Anong nangyari? Nasaan na sya?!" Natataranta kong sabi.
"Sumama kayo sa akin"
Ngunit hindi muna sumama ang aming mga kasama at doon ko nakita ang isang Sofia na nakatali sa isang posteng kahoy na nakayuko at may dugong umaagos mula sa kanyang sentido.
Nang ito'y lapitan ko, nakita kong sya ang binaril.
Agad syang kinuha ni Jeremiah at isinakay sa kotse upang dalhin sa isang malapit na hospital.
Nag ayos kami ng aming mga sarili ng aking mga kasama at tumungo kami sa hospital na sinabi sa akin ni Jeremiah.
Pag tungo namin roon ay syang saktong pag labas ng doktor sa loob ng isang kwarto.
Kasabay ng kanyang pag labas ay ang pag tunog ng isang makina kung saan malalaman mo kung wala na bang buhay ang pasyente at roon na biglang bumuhos ang aking mga luha.
Nagsalita na ang doktor sa amin.
"We did our very best but she's dead. Excuse me."
Doon na ako nawalan ng lakas.
Sino ba kasi ang gumawa non?!
Put*ng*n*!
Kung sino man ang may gawa non ay hinding hindi ko mapapatawad!
*End of Flashback*
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HororIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...