*Looking forward*
James' POV
Tatlong linggo na matapos ang karumal-dumal na nangyari kay Jeremiah. Halos mag iisang buwan na pala. Pero parang sariwa pa rin ang lahat. Ang lahat ng nangyari.
Tatlong linggo na ring nakalibing ang kanyang mga ala ala sa ilalim ng hukay. Mas pinili kasi ng kanyang pamilya na ito ay ipa-crimate na lamang tutal ganon naman ang nangyari sa kanilang pinaka masipag, mapag mahal, maalagain at halos perpekto nilang anak. Sobrang non para sa kanila. Matapos i-crimate ay inilibing nila ang garapon na pinag lalagyan ng abo ni Jeremiah sa hukay. Bale, dalawa ang kanilang ginawa.
Tatlong linggo na ang nakalilipas ngunit parang wala pa ring nag babago sa aming kapaligiran. Pakiramdam namin at mayroong laging nakamasid sa amin. Parang laging may nakasunod. Kami ay lagi na lamang nag iingat at pinapanatiling maayos ang lahat.
Tatlong linggo na rin ngunit hindi pa rin mahanap ang suspek sa paggawang pag patay kay Jeremiah. Ito ay aming pina iimbestigahan ngunit napaka hirap daw alamin ang mga pangyayari lalo na at walang CCTV.
Tatlong linggo na ring walang gana at hindi masyadong nakaka usap si Angelus. Ang kanyang katangian na napaka layo sa nakilala naming Angelus noon. Aminado naman sya sa kanyang nararamdaman. Matagal na raw syang may gusto kay Jeremiah. Kaya naman nang ito ay nawala na at suma kabilang buhay ay hindi nya agad ito matanggap.
At eto na kami ngayon, sinusulit na aming bakasyon ng mag kakasama sama. Dahil ang iba sa amin ay mag ba-bakasyon ng sarili nila o ng kanilang mga kasintahan o nililigawan.
Sana ay maging masaya lamang kami at wala ng gumulo pa sa amin. Masaya naman kaming lahat sana. Kung hindi lang talaga nangyari ang mga naganap na pag patay sa aming mga kaibigan at ang aking pakiramdam ay hinding hindi nya kami titigalan hanggang sa hindi pa kami nauubos o namamatay na lahat. Sana naman ay huwag nya na lamang ituloy ang lahat ng kanyang pinaplano.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...