Chapter Thirty- Five

25 3 0
                                    

*Demon, my turn*

Jeremiah's POV

Nang sya ay maka panik na at makapasok sa kanyang kwarto ay agad akong umakyat at binuksan ang pintuan ni George. Alam kong gising pa sya. Tatakas na kami hanggat maaga pa. Hanggat wala pang nasisimulan ang babaeng iyon. Uunahan ko na sya.

Nang pinihit ko ang door knob ng kwarto ni George ay agad itong bumukas. Sabi na eh, gising pa sya. Nakita ko syang naka tutok sa kanyang cellphone.

Agad naman nya akong tinitigan nang makita nya akong nasa loob na ng kanyang kwarto.

"Probl---" agad kong pinutol ang kanyang sasabihin.

"Huwag kang maingay." Pabulong kong sabi sa kanya.

"Ano ba kasing problema mo?" Pabulong nya ring sabi sa akin.

"Tatakas na tayo sa kamatayan hanggat maaga pa. Pasensya na, George, pero kinakailangang maging biktima ng bahay mo sa ngayon."

"Walang problema. Tara na."

Salamat naman at na-gets nya ako kaagad. Kaya naman agad syang tumayo at kinuha ang kanyang cellphone tinext ang aming mga kaibigan at ilang sandali pa ay sabay sabay itong lumabas ng kani kanilang kwarto na walang nagagawang ingay at sabay sabay kaming kumilos pababa at paalis ng tahimik lamang.

Ni-lock namin ang aming kwarto. Sinira namin ang isang wire na pinag mumulan ng kuryente at saka ito inilagay sa ibabaw ng kwarto ng babae. Nilock rin namin ang kanyang kwarto ng kadena at ilang alambre.

Ang main door at main gate ay aming ni-lock. Tinanggalan namin ng makina ang kanyang sasakyan. Para siguradong wala na syang takas.

Matapos namin iyong gawin ay atsaka na kami umalis at pumuntang Tagaytay.

Ilang oras ang byahe kaya naman nag pahinga na muna ang iba naming kasamahan.

Tahimik ang nangyari sa aming buong byahe hanggang sa kami ay naka punta na sa aming destinasyon.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon