Chapter Forty- Eight

27 4 0
                                    

*Next in Line*

George's POV

Paalis na sana kami nang malaman naming wala pa pala si Angelus sa loob ng sasakyan kaya naman agad akong bumaba at pinuntahan sya sa puwesto nya kanina nung naka usap ko sya.

Pag karating ko roon ay wala na sya. Nasaan naman kaya ang babaeng iyon? Pumasok ako sa loob ng bahay ngunit wala naman sya roon. Kaya nag pasya akong kami na lamang muna siguro ang aalis at i-te-text na lamang namin sya.

Nang makapasok na ako sa loob ng sasakyan ay nag sabi na lamang ako sa aking mga kasama na wala si Angelus at i-text na lamang nila.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag lalakad sa loob ng mall nang makasalubong namin si Alex.

Masama ang kanyang mga tingin sa amin.

Nginitian na lamang namin sya ngunit nanatili ang kanyang mga mata sa akin. Teka, sa akin? Bakit? Hindi ko na lamang ito pinansin at nag patuloy kami sa aming pag lalakad.

Dumiretsyo kami ng department store dahil doon daw ay mas makaka pili kami ng maayos sabi sa amin ni Myka. Kaya naman sinunod na lamang namin sya.

Nang makapasok na kami sa loob ng department store ay agad naman na muna kaming pumunta sa ladies section.

Puro two piece, bikini ang naririto at puro mga kagamitan underwater for girls.

Tuwang tuwa naman sina Myka at ang isang babae naming kasama. Hays, ano pa nga bang magagawa namin ni James? Babae sila eh. Hahaha.

Kaya naman sumunod na lamang kami sa kanila habang sila ay todo sa pamimili ng kanila.

Nang ang tagal na nila siguro umabot na ng mga dalawang oras ay nag pasya kami ni James na mag paalam sa kanila at mauna na kami sa gentlemens section na bahagi ng department store. Agad naman silang pumayag ngunit kailangan daw ay mag text kami kung tapos na ba o kung nasaan na kami.

Agad naman din kaming pumunta sa bahaging iyon ng department store at tumingin ng aming mga maaaring gamitin.

Kumuha ako ng ilang polo, tatlong t-shirts, dalawang shorts, boxers atsaka sandong pang beach.

"Pre, alam ko mag babakasyo, eh bakit ganyan yang mga kinuha mo?" Biglaang tanong sa akin ni James.

"Oh? Bakit? Anong masama rito? Tutal naman sa susunod ay papasok na ako sa opisina ni dad kaya okay na rin ito. Eh ikaw?"

"Wala naman. Tatlong sando at shorts lang kinuha ko mayroon naman akong ibang gamit sa bahay. Baka bumili ako surf board para may sarili ako."

Nag tungo na kaming cashier upang mag bayad ng aming mga pinamili at upang mapuntahan na namin yung dalawang babae at maka kain na kami.

Medyo mahaba ang pila kaya ilang minuto rin ang aming inabot sa pag babayad.

Matapos naming mag bayad ay tinawagan na namin sila Myka at sinabing sa isang fast food chain na lamang kami mag kita-kita. Sumang-ayon naman sila kaya nag tungo na kami sa napag usapang lugar na pag kakainan namin at nag hanap ng aming mapupuwestuhan.

Marami-rami ring tao rito kaya naman sa medyo dulo na kami naka hanap ng aming mapupwestuhan. Agad namang mayroong lumapit sa aming waiter at inabutan kami ng kanyang dala-dalang menu.

"Ahm, may inaantay pa kasi kami baka mamaya na lang siguro." Sabi ko nang mapansin na nag hihintay sya ng aming order.

"Ang tagal naman nila." Reklamo ni James.

"Hinahanap raw nila tayo. Ang sabi ko nasa bandang dulo tayo."

"Tss." Sabi nya at kinalikot na lamang ang kanyang cellphone.

Sa medyo malapit ay natanaw ko na sina Myka kaya naman sinenyasan ko sila kung nasaan kami.

"Anjan na sila." Sabi ko kay James.

Nang maka lapit sina Myja ay naupo na sila sa mga bakanteng upuan sa tabi namin ni James.

"Umorder na kayo?" Tanong ni Myka.

"Hindi pa. Hindi naman namin alam kung anong gusto nyo eh." Sagot ni James sa tanong ni Myka'ng iyon. Ang sungit na naman ng lalaking ito.

Maya-maya pa ay naka pili na kami ng aming mga kanya kanyang order. Ilang minuto pa naman bago dumating ang aming mga inorder kaya nag paalam na lamang muna akong mag babanyo lang saglit.

Habang nag lalakad patungong banyo ay naiilang dahil pakiramdam ko ay mayroong mga maatang nakamasid sa akin at iyong tipong ako ay sinusundan. Hindi ako mapakali kaya lingon ako ng lingon. Kalilingon ay muntikan na akong maka bangga ng isang babae buti na lamang at agad syang nakaiwas. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa kanya.

Nang makarating ako sa banyo ng mga lalaki ay ako lamang ang tao kaya naman agad akong pumasok sa loob at ako ay agarang umihi.

Matapos umihi ay inayos ko ang aking pantalon at humarap saglit sa salamin ngunit nagulat ako nang may makita akong rebulto ng babae sa aking likuran.

Nanlilisik ang kanyang mga mata. Nakatingin sya sa akin. Galit na galit ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat sinubukan kong lumabas ngunit ayaw bumukas ng pintuan ng banyo.

Kinakabahan na ako. Hanggang sa makalapit na sya sa akin ay wala pa rin akong nagagawang pag galaw o kung ano pa man.

Sobra na ang aking pag kakaba butil butil ang pawis na lumalabas sa aking sistema.

Mayroon syang hawak na bato. Mas lalo pang nanlaki ang aking mga mata sobra na ang aking takot sa kanya. Dahil sa takot ay hindi ako makagalaw.

Ilang saglit pa ay pinukpok nya ng pinukpok ang aking ulo ng batong hawak nya. Nakikita ko rin ang mga dugong lumalabas mula sa akin. Namamanhid na ako.

Nang hindi pa rin ako nawawalan ng malay ay nag labas sya ng itak. Oo, itak. Hindi ko alam kung saan ba iyon nang galing.

Nagulat na lamang ako nang bigla nyang malakasan at mapuwersang iniitsa ang itak pahaba sa aking ...

3rd Person's POV

Ang babae ay nag labas ng itak na kanyang kinuha mula sa lababo marahil sa doon nya iyon inilagay kanina.

Nang hindi pa rin namamatay ang lalaki ay buong pwersa nyang initsa ang itak pahiga at pahabang direksyon patungo sa leeg nito. Matapos ay naka lay lay na lamang ang ulo ng biktima.

Hindi pa nakuntento ang babae at tuluyan na nya iyong pinugot.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon