*Plans A and B*
Jeremiah's POV
Pag katapos ng sagutan namin ni Angelus ay sumigaw ang galit na galit na si Myka. Tumahimik ang lahat. Walang nag tangkang bumasag sa isang naka bibinging katahimikan. Iba si Myka kapag nagalit. Hindi basta galit. Minsan ay nag wawala pa ito dahil sa hindi na nya ma-control ang kanyang sarili sa sobrang galit.
Ilang minuto rin kami tahimik lamang at nang sa wakas ay nag lakas loob si George na mag salita.
"Tapos na ba kayo riyan?" Tanong nya sa amin lahat na naririto sa loob ng kwarto.
"Tapos na ako. Kayo ba dyan?" Sagot at tanong ni Angelus.
"Tapos na kami." Sagot naman namin ng sabay sabay.
"Kung ganon, bumaba na tayo at kumain." Sabi ko naman sa kanilang lahat.
Ito ay kanilang sinang-ayunan atsaka bumaba ng aming room na kami ay mag kakasama-sama.
Kailangan naming bumalik bukas roon sa bahay nila George upang tignan kung ano na nga ba ang nangyari sa babaeng demonyong iyon.
Sa akin palagay, hahanap at hahanap iyon ng paraan upang makatakas sya roon sa bahay.
Sa ngayon, ano na kayang pinaplano nyang gawin?
Pero hahayaan ko na muna sya. Mamaya ay sama sama na kaming mag iisip ng plano o paraan upang mawala na ang babaeng iyon.
Nandito na kami sa loob ng restaurant sa baba lamang na bahagi ng hotel. Umorder kami ng aming mga makakain.
"Jeremiah, babalik pa tayo doon diba?" Tanong sa akin ni James.
"Oo namn. Bakit mo natanong?"
"Wala naman. Paano kung wala na pala sya roon?"
"Mamaya na natin sya pag usapan. Bago tayo bumalik roon kela George ay kinakailangang mayroon tayong plano na maayos." Sagot ko at hindi na muli pag nag salita.
Matapos ang sampung minuto ng pag hihintay at naririto na rin ang aming mga inorder at kumain kami ng tahimik lamang.
Natapos kaming kumain ay nag pahinga muna kami saglit atsaka pumanhik sa aming kwarto.
Ni-lock namin ang pinto.
"Guys, ngayong gagawa tayo ng magandang plano ay kinakailangan ko ng inyong kooperasyon." Paninimula kong sabi sa kanila.
"Paano ba natin sisimulan?" Mahinahong tanong ni Myka.
"Kailangan natin ng Plan A at Plan B. Para kapag pumalpak ang unang plano may reserba tayo."
"Simulan na natin. Ito ang papel at ballpen." Sabi ni Angelus sabay abot ng papel at ballpen sa akin.
"Sabi ko tayong lahat." Naka kunot noo kong sabi.
"Oo nga." Sabi ni Angelus.
"Eh bakit sakin mo iniabot ang papel at ballpen?" Sabay lapag nito sa gitna.
"Bakit mo kinuha?"
"Ugh! Enough! Wala tayong masisimulan nyan eh!" Sabat naman ni George sa aming dalawa ni Angelus.
Nag simula na nga kaming mag isip ng mga maaaring gawin. Lahat ay nag bibigay opinyon. Wala hindi nag sasalita. Ngayon, lalaban kami ng iisang grupo at buo.
**
Her POVAha! Nandito lang pala kayo. Pinahirapan nyo pa ako. Nang makita ko sila sa restaurant sa Tagaytay ay agad akong nag check in sa katabing kwarto ng kanilang kwarto.
Eto na ulit ako! Humanda kayo!
Mga walang hiya! Matapos ng ginawa nyo sa akin! Gaganti ako sa inyong lahat!
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...