*The Start*
Patricia's POV
Hi, I'm Patricia. I love fashion and girly accessories. hehe.
Nasa library ako ngayon,para hanapin yung pina- assignment sa amin ng prof namin.
Anong oras na di pa ako nakakauwi, kanina pa ako dito sa library.
Kapag hindi ko yun mahanap. Mag gu-google na lang ako. Hmp!
Patuloy pa rin ako sa aking pag lalakad nang may napansin ako sa likod ng isang shelf.
Parang may nakatitig sa akin at sinasabayan ako sa aking pag lalakad.
Sinubukan ko syang tignan ngunit nakakapaso ang kanyang mga titig.
Babae sya.
Ang mata nya ay mala anghel sa ganda.
Ngunit sino sya?
Lumipat ako sa kabilang shelf para makita ko sya at matanong na rin kung sino sya.
Pero pag punta ko sa katapat kong shelf, wala na sya.
Nakapag tataka naman. Masyado ata syang mabilis maglakad.
Ipinag walang bahala ko na lang iyon at umuwi na.
Habang nag lalakad ako papuntang parking lot ng school ay parang mga yabag na sumusunod sa akin.
Parang nakatakong.
Lumingon ako ng mabilisan, ngunit wala.
Umulit ang tunog.
Hindi na ako lumingon.
Natatakot ako.
Pabilis sya ng pabilis.
Bawat hakbang nya ay ayon rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Hanggang sa..
"Aahhhh! " ayan na lang ang huling lumabas sa aking mga labi.
**
3rd Person's POV
Matapos ang sigaw ng babae ay ayon rin ang pag kalat ng mga dugo nito.Dugo mula sa kanyang leeg kung saan ito'y hiniwa.
Nakangiti pa ang gumawa nito sa kanya.
Nakita ko kung gaano sya kasaya ng mga oras na iyon.
'Nagsimula na ang laro ko. Humanda kayo. ' ayon ang mga salitang nasa isip ng pumatay.
Dinala nya ang bangkay ng babae sa isang kwarto.
Parang ito'y hindi na nagagamit.
Lumang luma na ang kwartong iyon.
Ngunit nakapag tataka na sya lang ang nakapag bubukas non.
May malalaking krus sa loob.
Naglabas sya ng limang pako.
Inilagay nya ang babae sa krus at
.
.
.
.
.
Ipinako ang mga kamay sa dalawang dulo ng krus.Matapos ang kamay ay ang dalawang paa naman.
May isang pako pang natitira.
Ito'y walang awa nyang ipinako sa noo ng babae.
Pagtapos ng ginawa nyang iyon ay kumuha sya ng kaunting dugo na nagmumula sa babae at nag sulat sa pader ng isang stick man o tanda kung ilan na ang kanyang napapatay.
Kinandado nya ang pinto na para bang ayaw nya itong mabuksan ng kahit na sino.
Naglinis sya ng katawan bago tuluyang umalis.
Kung saan sya pupunta ay walang nakaka alam.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...