*Destination*
Her POV
Nandito na kami sa lugar kung saan namin napag desisyunang mag bakasyon.
Nakakatuwa lang at hindi pa rin nila ako kilala.
Hahahaha. Mga tanga!
Hindi kasi kayo nag iisip.
Oo nga't ako'y tahimik!
Pero hindi nyo pa ako kilala at hindi nyo pa rin alam ang mga kaya kong gawin!
Humanda kayo sakin!
**
3rd Person's POVPumasok sila ng isang malaki at magandang bahay sa lugar kung saan nila nais mag bakasyon.
Tuwang-tuwa sila dahil sa ganda ng lugar.
Lahat sila ay pagod.
Sabay- sabay silang umakyat sa itaas na bahagi ng bahay na kanilang tinutuluyan.
Namili sila ng kanilang tutulugang kwarto at kasama sa bawat isang kwarto nilang napili.
Nag ligpit sila ng kanya- kanyang gamit nila at ipinasok yung ibang damit sa isang malaking aparador.
Lahat sila ay busy mag ayos ng gamit.
Matapos nilang mag ayos ng gamit ay nakaramdam sila ng pagod at antok kaya sila ay natulog.
Habang sila ay tulog ang isa sa kanilang mga kasama ay bumaba ng ikalawang palapag ng bahay at mayroon itong kinuha sa kusina.
Walang tao marahil nga sa sila lang ang naroroon at natutulog ang kanyang mga kasama.
Siya'y malayang kumilos sa loob at labas ng bahay.
Pumunta naman sya sa likod ng bahay at tila ba sya ay may inaayos roon na sya lamang ang nakaka alam o may alam.
Tumagal sya higit sa dalawang oras na naroon lamang sa likod na bahagi ng bahay nang mayroon syang marinig na mga hakbang patungong kusina kaya naman sya ay nag madaling mag ayos ng kanyang sarili at dali- daling tumayo at tumungo ng kusina, kumuha sya ng baso at pitsel ng tubig upang kunwari ay umiinom lamang sya at walang ginagawa na kung ano.
Tama nga sya.
May bumaba sa isa sa kanyang mga kasama sa loob ng bahay.
"Oh? Bakit ka pala bumaba?" tanong nya rito.
"Nauhaw lang rin kasi ako."sagot naman nito.
Matapos non ay wala ng nag salita pa sa kanila.
Bumalik na rin sila ng kani- kanilang kwarto.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...