Chapter Twenty- Six

31 4 0
                                    

*Victim*

Her POV

Matapos kong mag ayos ng mga nag kalat na maliliit na bubog sa lapag ay agad kong pinuntahan ang isang sulok ng bahay na ito kung nasaan ang aking biktima.

Pero wala sya.

Agad namang nag init ang aking ulo. Nang tignan ko ang pintuan ay naka sarado namn ito. Agad kong nilapitan ang pintuan at nang inikot ko ang door knob nito ay ito ay naka bukas.

Shit! Ano na naman bang gustong mangyari ng walang hiyang iyon?!

Humanda ka sa akin!

Agad akong lumabas upang hanapin sya dito sa isang lugar kung saan ako lang ang nakatira dito at ang tao kasama ang aking mga nabiktima, biktima, at bibiktimahin pa.

May naririnig akong kaunting kaluskos sa may damuhan at parang mayroong kinakalikot roon.

Agad akong pumunta roon at tama nga ako, andoon sya.

Tumatakbo sya nang bigla syang lumingon sa akin at nakita nya siguro akong nakatingin sa kanyang direksyon kung kaya ay tumakbo sya ng mas mabilis sa kanyang tinatakbo kanina.

Pero dahil hindi ako tanga, nakita ko pa rin kung saan sya nag tago--- sa isang malaking puno ng mangga.

Minadali ko na ang aking pag takbo at nang sya ay aking lapitan agad akong nag labas ng ngisi sa aking mga labi, sabay sabing ...

"At ano naman ang pumasok sa kokote mong kutong lupa ka at umalis o sabihin na nating tatakas ka?" Mataray ngunit nakakatakot kong saad sa kanya.

Tatakbo na sana sya nang bigla kong hinawakan nang pag ka-higpit higpit ang kanyang mga braso.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakahawak roon ng sya ay nag pupumiglas.

Nainis na ako dahil sa kanyang sobrang kakulitan, nag pupumiglas pa rin sya kaya naman, tinurukan ko sya ng pampa-tulog.

Napansin kong unti-unti na syang nanghihina at maya maya pa ay nawalan na sya ng kanyang malay.

Siya ay aking binitiwan at kinuha ko ang kanyang mga paa atsaka hinila pabalik sa loob ng aking bahay.

Nang narito na ako, kami sa loob ng bahay ay agad kong nilagyan ng ilaw ang kabitan ng ilaw sa kisame atsaka ito sinindihan.

Masyado na kasing madilim dahil na rin sa gabi na. Medyo madilim na rin sa labas.

Matapos ay agad ko syang ikinulong sa isang kwarto sa loob ng aking bahay.

Kung sa tutuusin ay akala mo walang kwarto dito at tanging ang lawak lamang nitong aking bahay ang makikita ngunit hindi. Mayroong isa kwarto dito ngunit ito ay maliit at kulungan ang itsura nito.

Agad ko syang ipinasok roon at ini-lock ang pintuang parang gate ng mga kulungan sa prisinto.

Matapos ay agad akong nag linis ng aking katawan at nag palit ng aking sariling damit. Inayos ko ang aking make-up at ang aking tindig.

Pinatay ko ang nag iisang ilaw sa loob ng aking bahay. Inayos ang ibang gamit atsaka lumabas ng bahay sabay ini-lock ito.

Kumuha ako ng tubig sa likod ng bahay atsaka nilinis ang aking sasakyan.

Habang ito ay aking nililinis mayroon akong nakitang stick na nakatusok sa pasukan ng susi nito. Agad ko iyong hinila. Siguro iyon ang ginawang susi ng aking biktima nang tinangka nyang tumakas kanina.

Natawa na lamang ako sa kanyang katangahan. Hahahaha! Ang bobo! Hindi nya naman ito mapapaandar ng ganon ganon na lamang.

Hinayaan ko na lamang iyong aking naisip at nilinis ng tuluyan ang aking sasakyan.

Nang ito ay aking nalinis na ay agad akong sumakay rito at nag maneho papuntang syudad.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon