*Sacrifice*
3rd Person's POV
Matapos paluin ng malaki at mahabang kahoy sa ulo ang biktima ay agad nyang hinila ang mga paa nito patungo sa lugar kung saan nya gagawin ang kanyang mga pinaplano o binabalak na gawin sa biktima.
Ito ay wala ng malay, pero nakatitiyak naman na ito ay buhay pa. Maaaring nahimatay lamang ito gawa ng pag-palo sa kanyang ulo ng kahoy ng babaeng may gawa non sa kanya.
Sinakay sya nito sa isang kotse'ng kulay pula atsaka dinala sa isang lugar kung saan doon nya iniipon ang kanyang mga biktima at pinapatay.
Isa itong kwarto. Madilim dito.
Tanging siya lamang ang tao rito at ang kanyang biktima.
Kung nandito ka lamang sa lugar na ito ay matatakot ka. Ang sangsang ng amoy na iyong maaamoy marahil na rin sa mga dugong nag kalat sa ibat-ibang bahagi ng kwarto.
Mayroon kang makikita na mga krus kung saan ay may mga naka pakong mga taong naging biktima na rin nya kung minsan.
Ang mga taong pinahirapan, pinahihirapan at papahirapan pa nya.
Para syang demonyo kung makagawa ng ganoong klase na mga bagay kahit na sya ay isang babae lamang.
Masyadong malakas ang kanyang loob at para syang walang takot kahit pa na kanino man.
Siya na ata ang babae kung saan walang takot at hindi naniniwala sa Diyos.
May sarili syang dyos-dyosan na sinasamba nya.
May mga dasal syang binibigkas na sya lamang ang nakaiintindi at walang ibang nakaka alam kung ano ang kahulugan ng bawat salitang kanyang binibigkas.
Matapos ng isang dasal ay tumawa ito ng malademonyo.
Nag pakawala sya ng isang tawang malademonyo ang tono at dating.
Matapos ng kanyang mga seremonyas at kung ano ano pang kanyang ginagawa ay doon nya biglang sinampal ng pag kalakas lakas ang kanyang biktima at ang pag sampal na iyon ay naging dahilan kung bakit ito biglaang nagising at pag dilat ng mga mata nito ay nag pakawala ito ng mga nag tatakang tingin atsaka inilibot ang kanyang mga paningin sa kabuuan ng kwartong kanyang kinalalagyan. Nang mapagtanto nyang hindi nya alam kung saan ang kwartong kanyang kinalalagyan o kung nasaan man sya ngayon ay doon sya naka ramdam ng pag kahilo at pag kirot ng kanyang batok kung saan sya pinalo kanina ng babaeng nagdala sa kanya sa lugar kung nasaan man sya ngayon.
"Nasaan na ba ako?" Biglang sabi ng biktima sa kanyang sarili marahil sa hindi nya makita kung mayroon ba syang kasama o wala dahil na rin sa madilim sa loob ng kwartong iyon.
"Hindi mo alam?" Isang tinig ang narinig ng lalaki sa isang banda ng kwarto. Dahil nga sa madilim dito ay hindi nya makita kung nasaan na nga ba ang nag salita pero isa lamang ang kanyang alam--- ito ay babae.
"Mag tatanong ba ako sa kung sino kung alam ko?" Sarkastikong saad naman ng biktima dahilan kung bakit nainis at nagalit ang babae sa kanya.
"Di ko kailangan ng mga salita mo!" Galit na galit at namumulang tila kamatis sa kulay ang babae.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" Diretsyahang tanong ng biktima rito.
"Bakit?! Nag tatanong ka pa?!" Pagalit at pasigaw nitong sabi sa biktima sabay sampal ng pag-kalakas-lakas sa pisngi nito.
"Bakit mo ako sinampal?! Di porket babae ka eh hindi na kita maaaring patulan! Pasalamat ka lang talaga at nakatali ako rito sa walang kwenta mong posteng kahoy!" Nangangasar na sabi ng biktima sa babae.
"Ako ba talaga at inuubusan mo ng pasensya?!" Nanlilisik na ang mga mata ng babae.
Matapos nya iyong sabihin ay isang katahimikan ang bumalot sa loob ng kwartong iyon.
Anong dahilan? Hindi nila alam.
Sila ay nagulat na lang rin lamang ng biglang tumahimik at walang nag sasalita sa kanilang dalawa.
Nagulat na lamang silang pareho nang biglang mahulog ang isang baso na nasa ibabaw ng isang maliit na lamesa.
Agad itong pinulot ng babae ngunit nag kamali sya ng dampot at ito ang naging dahilan kung bakit sya nasugatan.
Agad nya itong ininda atsaka hinugasan at binalutan ng telang puti marahil ang laki ng hiwa sa kanyang mga palad.
Sa gitna ng kanyang iniindang sugat ay mayroon syang naisip na problema ng dahil sa kanyang sugat.
'Paano ko na maitutuloy ang aking plano kung ganito ang aking mga kamay? May sugat at kung ano pa man. Mahihirapan ako nito. Mag iisip ako ulit mamaya ng ibang plano.'
(A/N: Hi guys, sorry sa napaka tagal na update. Pero bumawi naman ako ngayon kasi basta mas mahaba ang chapter na ito sa ibang chapter/s na nagawa ko na. Hahaha. Sorry na guys. Naging busy kasi ako nitong mga nakaraang araw eh. Busy sa school tapos eto na ako ngayon, top one ang Ms. Author nyo! Hahaha. Congrats nga pala sa lahat ng may mga award na nakapag recognition na. Keep it up,guys! Tsaka sa mga wala namang award or top, don't worry, one day mag kakaroon ka rin non basta sikap, sipag, tyaga at aral lang ng mabuti. Eto na mag basa na kayo! Hahaha. Enjoy reading. Don't forget to vote, comment and share! Huwag kayong madamot! Haha. Mwa~)
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...