*Calling for help*
Jeremiah's POV
Saktong kababa ko lang ng kwarto nang may bigla akong narinig na malakas na putok ng baril sa isang kwarto sa labas ng bahay-----kwarto sa likod ng bahay.
Agad akong tumakbo paakyat upang tawagin sila Angelus at tignan kung ano ang nangyayari.
Nang kami'y makababa ay nag punta na kaming kaagad sa lugar kung saan ko narinig ang putok ng isang baril.
Pag punta namin roon ay laking gulat naming dalawa ni Angelus nang makita namin si Sofia.
Nakatali sya sa isang poste.
May dugong umaagos na nag mumula sa kanyang sentido.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at tinggal ko sya sa pag kakatali atsaka binuhat para dalhin na sa loob ng sasakyan at madala na rin sya sa hospital.
Pinaakyat ko naman si Angelus upang sabihin sa aming mga kasama kung ano man ang nangyari at papuntahin na rin sa hospital kung saan ko dadalhin si Sofia.
Hindi pa patay si Sofia.
Naniniwala ako doon.
Habang ako'y nag mamaneho ay nag dadasal ako ng paulit- ulit.
Isang dasal na sana ay hindi pa ito ang katapusan ng buhay ni Sofia.
Ilang minuto pa ang nakalipas at naririto na kami sa hospital.
St. Gabriel's Medical Center.
Agad namang kumilos ang mga nurse at dinala sya sa Emergency Room (ER).
Matapos syang tignan ay agad naman syang dinala sa isang kwarto.
Nag bayad naman ako sa billing station ng para kay Sofia.
Siya ay o-operahan.
Ito ay delikado kaya naman pumunta ako ng chapel malapit dito sa hospital kung nasaan man kami.
Matapos mag dasal ay bumalik na ako roon sa loob ng hospital.
Maya-maya pa ay nandito na sila Angelus kasama ang aming mga kaibigan.
Tinanong lamang nila ako kung ano na ba ang mga nangyari at ito naman ay aking sinagot.
Matapos ang matagal naming pag aantay ay mayroon kaming biglang narinig na isang mahabang tunog na senyales na wala ng buhay ang pasyente.
Bigla na lamang tumulo ang aming mga luha.
Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili marahil na rin sa gusto kong maniwala na hindi iyon si Sofia.
Pero tuluyan ng nawala ang lahat na inipon kong lakas nang biglang may lumapit na doktor sa amin sabay sabing ...
"We've tried our very best, but, I'm sorry to say she's dead."
Iyak na lamang namin ang maririnig sa hallway ng hospital.
Pilit naming pinapakalma si Maxene at Angelus marahil sa nag wawala na sila sa kaiiyak nila.
Grabe ang kanilang mga luha.
Ganoon na lamang ang aming pag kalungkot ng dahil sa pag kamatay ni Sofia.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...