*Inside the room*
Mikey's POV
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
Teka, asan ako? Anong lugar ito?
Bakit ang dilim?
Hindi ako makagalaw.
Sinubukan kong galawin ang mga braso ko ngunit hindi ko magalaw.
Doon ko lang nalaman na nakatali pala ako sa makapal na posteng kahoy.
Luminga-linga ako upang tignan kung sino ang aking kasama at laking gulat ko na lang ng makita ko ang hinahanap namin.
Si Patricia.
Mangiyak-ngiyak ko syang tinignan. Patay na sya. Nakapako sya sa krus.
Sinong walang puso ang gumawa nito kay Patricia?! Sino?!
Yumuko ako dahil sa sakit na naramdaman. Kaibigan namin sya. Kailangan kong makatakas dito.
Ngunit pag kaangat ko ng aking ulo ay nakita ko sya.
Ang gumawa sa akin nito.
Baka nga sya rin ang pumaslang kay Patricia eh!
Nakangiti sya.
Nakakaloko yung mga ngiting binabato nya sa akin.
"Ano bang kailangan mo sa akin?!" pasigaw at galit kong sabi
"Wala naman." masayang tugon nito.
"Sira ulo ka ba?! Eh p*t*ng**a mo pala eh! Ano bang trip mo sa buhay at ginaganito mo kami?!"
"Manahimik!" sigaw nya sa akin.
"Bakit ako tatahimik?! Wala kang puso! "
"Pag sinabi kong tumahimik ka, tatahimik ka! " sabay tutok nya sa akin ng baril.
Hindi na ako kumibo pa.
Galit na galit sya. Nag aalab sa galit ang kanyang mga mata.
"Ikaw, bakit mo to ginagawa? Akala namin mabait ka. Hindi ko inakalang ganyan ang tunay mong pag katao. " mahinahon kong sabi.
Biglang sya tumawa ng nakakaloko.
"Hahahaha. Hindi nyo pa nga ako kilala."
"Pakawalan mo na ako." pag mamakaawa ko.
"Hahahaha. Ano ako gag*?! Edi kapag pinakawalan kita, huli na ako! Di ka talaga nag iisip! Bobo ka! "
Galit na naman sya.
Kinabahan ako dahil alam kong kahit anong oras ay pwedeng pwede nya akong patayin.
"Tanga ka! Kutong lupa! Mag isip ka! Gamitin mo yang utak mo sa susunod na kakausapin mo ako!"
Pagtapos nyang sabihin sa akin yun ay umalis sya ng kwarto at hindi ko alam kung saan sya pupunta.
**
Her POV
Walangya yung taong iyon!
Humanda ka.
Makakasama mo na sya.
Hahahaha.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...