Chapter Nine

73 9 5
                                    

*Her death*

Leilani's POV

Nagising ako ng hindi ko alam kung nasaan ako.

Teka, hindi ako makagalaw.

Hanggang sa makita kong nakatali pala ako.

Nasaan na kasi ako?

"Aray!" inda ko sa sumasakit kong ulo.

Nag hanap ako ng matalim na bagay upang pamutol sa taling nakatali sa akin.

May nakapa ako sa likod ng posteng pinag katalin kong matalim.

Agad ko itong kinuha at kiniskis sa taling nakatali sa aking mga kamay.

Ang laki ng pasasalamat ko nang napigtas ang tali.

Agad kong tinanggal ang tali sa aking mga paa at lumakad na.

Lumakad ako ng walang ingay.

Ang daming kwarto dito, parang isang bahay ito.

Kaso walang kailaw - ilaw.

Sino ba ang nagdala sa akin dito?
Nang nakababa na ako ay may pintuang bukas.

Sa aking palagay ay ito na ang daanan palabas.

Kaya naman agad akong pumunta roon ngunit may humila sa aking buhok.

"Aray!" reklamo ko.

"At ano naman ang pumasok sa kokote mo at lalabas ka?!"

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

Hindi sya nag patinag. Hawak nya pa rin ang aking buhok.

"Bitawan mo ako!" sigaw kong muli.

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba?" nakakatakot nyang sabi.

Mas pinili kong itikom ang aking mga labi.

Hinila nya ako papuntang kusina.

May kumukulong tubig na kapatong sa kalan.

Sobra na ang usok noon.

Tandang sobrang init na rin non.

Maya- maya pa ay inilapit nya ako doon.

Kinabahan ako ng sobra.

Hanggang sa sapilitan nyang itinutulak ang aking ulo pababa upang lumublob sa tubig na mainit.

Ngunit pinipigilan ko ito.

Unti- unti na akong nawawalan ng lakas.

Hanggang sa...

"Aahhhhhhh!" sigaw ko nang maiangat nya na ang aking ulong linubog nya sa kumukulong tubig.

Inulit nya ito ng inulit.

Wala akong ibang nararamdaman kundi ang sakit sa aking mukha.

Ang hapdi.

Dinala nya ako sa isang kwartong punong- puno ng mga kagamitan.

Kagamitang matutulis at matatalim.

Tinali nya ako sa isang upuan at kumuha sya ng mga gamit.

Nagulat ako nang makita ko kung ano ano kinuha nya.

Ito ay pliers, plate, hammer at maliit na kutsilyo.

Bigla naman nyang iniangat ang aking mukha.

Sapilitan nya akong pinanganga.

At doon, unti- unti nyang inilapit ang maliit na martilyo sa aking mga ngipin.

"Aaahhhhhhhh!" hinila nya ng pliers ang aking mga ngipin.

Hiniwa ang aking gilagid.

Pinutol ang aking dila.

Dinukot ang aking mga mata.

Isa- isang binunot ang aking mga pilikmata at kilay.

Ang huli nyang ginawa ay ang hiniwa nya ang aking tainga at ginilitan ako sa leeg.


Facebook: Shiela Bernardo
Twitter: shielaxbernardo
Instagram: shielaxbernardo

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon