*His Ways*
Jeremiah's POV
Nag lakad lamang ako ng nag lakad. Nang ako ay makaramdam ng pag ka-pagod ay umupo na muna ako sa isang malaking hagdanang bato. Hagdan ito tawid sa kabilang bahagi ng lugar.
Kailangan ko na talagang maka uwi hanggat maaga pa. Baka maya maya lamang ay hanapin na ako ng babaeng gumawa sa akin nito.
Nang ako ay umakyat sa mga hakbang ng hagdan ay doon ko nakita ang isang istasyon ng mga bus. Ang daming tao. Malawak ang lugar. Parang hindi kapani- paniwalang narating ko ang lugar na ito. Pero ganoon pa man ay laking pasasalamat ko at nakahanap ako ng ganitong sakayan.
Wala na akong inaksayang oras pa at agad na akong sumakay sa loob ng isa sa mga bus. Problema ko na lamang ay kung paano ang aking pamasahe. Agad akong sumiksik sa pinaka dulong bahagi ng sasakyan at saktong mayroon akong nakitang naka ipit na papel na senyales na bayad ka na sa isang upuan. Ito ay aking kinuha at ito ang aking ipinrisinta sa kundoktor. Masama man ay kinakailangan ko iyong gawin upang maligtas ang buhay ng aking mga kasama o kaibigan.
Sa tagal ng byahe ay ako ay naka tulog. Pag dilat ng aking mga mata ay naririto na pala kami sa istasyon ng mga bus sa Maynila.
Agad akong bumaba at humanap ng aking pwedeng pag sakayan. Mayroon akong nakita na isang taxi. Ito ay aking pinara at kinausap ang driver kung saan nya ako maihahatid.
Ilang minuto rin ang byahe namin. Hindi na ako mapakali. Gustong gusto ko ng makita ang aking mga kasamahan upang sila ay mabigyan ng babala.
Nang ako ay kanyang naihatid na sa lugar kung saan nya ako dapat ihatid ay agad nya akong siningil.
"Sir, bayad nyo ho."
"Pasensya na ho, manong. Pero wala ho akong pera dito. Kung gusto nyo ho eh antayin nyo na lamang ako dito at kukunin ko sa loob ang aking pambayad."
"Sige ho, Sir. Okay lang ho. Kahit na hindi na kayo mag bayad. Tulong ko na lamang ho iyon sa inyo."
"Ah-hm, salamat ho."
Nakapag tataka. Anong tulong ang sinasabi nya? Ganoon na ba talaga ako kamukhang kawawa? Pero ganoon pa man ay salamat pa rin.
Agad akong tumakbo patungong loob ng aking condo.
Nang makarating sa loob ng aking condo ay agad akong naglinis ng aking katawan.
Naligo at nag bihis. Hinanap ko ang aking isa pang cellphone.
Puro na ito missed calls at texts galing kela Myka.
Agad kong kinontak ang numero ni Myka.
Calling..
"Hello"
"Myka? Si Jeremiah to."
"Jeremiah! Nasaan ka? Ilang araw ka na naming hinahanap."
"Nasaan kayo?"
"Sa hotel na tinuluyan natin noon."
"Shit! Umalis kayo jan. Pumunta kayo sa malayong lugar. Wag lang dyan."
"Ha? Bakit naman?"
"Huwag ka ng marami pang tanong, sundin nyo na lamang ako."
"Ah sige."
"Saan naman kayo pupunta ngayon?"
"Kela George."
"Sige basta bilisan nyo ang kilos nyo. Pupuntahan ko kayo roon."
Call ended.
Agad akong nag maneho patungo kela George.
Ugh! Kailangan ko ng bilisan bago pa man may mangyari sa kanilang kung ano pa man.
Fuck! Kasama kaya nila si...
Ugh! Bakit di ko iyon agad naisip? Pero sana naman hindi nila sya kasama. Kung hindi wala na lahat ng plano ko.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...
