Chapter Thirty

34 4 2
                                        

*Need To Rush*

George's POV

Nandito na kami ngayon sa loob ng van nila Myka. Kami ay minamadali ni Jeremiah patungo sa aming bahay. Kung bakit? Hindi namin alam. Basta ang alam lamang namin ay mayroong mahalagang sasabihin sa amin si Jeremiah. Ano naman kaya iyon? Sa ilang araw nyang nawala ay ganito pa ang nangyayari pag balik nya.

Ano na naman ba kasi ang tunay na nangyayari?

Ang gulo gulo na. Sa kalagitnaan na aking pag iisip ay biglang nagsalita mula sa aking likuran si James.

"Sa tingin nyo, ano kaya ang sasabihin ni Jeremiah sa atin?" Paninimula nitong tanong sa amin.

"Hindi nga rin namin alam eh. Siguro mayroon naman iyong koneksyon sa kung ano na ang nangyayari." Sagot naman ni Angelus sa kabilang banda.

Matapos ng usapan na iyon ay wala ng nag tangka pang mag salita sa aming muli kaya naman binuksan ko na lamang ang stereo at nag patugtog.

(Playing: Elastic Heart by Sia)

Ang ilan sa amin ay naka tulog marahil sa wala pa nga kaming halos tulog mag mula noong mawala si Jeremiah.

Tahimik lamang kami sa loob ng kotse nang bigla akong nakapag preno ng malakas marahil sa isang pusang itim na naka hinto sa gitna ng daan. Ang pag preno na naging dahilan kung bakit nagising ang ilan.

"Shit!" Iyan ang aking nasabi matapos ng biglaan kong pag preno.

Kasabay non ay ang sigaw ng aking mga kasama sa loob ng sasakyan dahil na rin sa sila nga ay nagulat.

Ilang saglit rin akong bumusina ng bumusina upang umalis ang pusang itim. Natagalan pa bago ito umalis.

Nang ang pusang itim ay naka alis na agad naman akong nag maneho ng patuloy. Medyo malayo pa kami dahil na rin sa malayo ang bahay namin sa hotel na aming tinuluyan.

Habang ako ay nag da-drive ay biglang nag-ring ang cellphone ni James.

"Pre, may tumatawag." Sabi ko sa kanya. Agad naman nyang kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.

**

James' POV

Ako ay nakaka idlip na nang biglang nag salita si George.

"Pre, may tumatawag."

Agad ko naman iyong kinuha at sinagot.

Jeremiah Calling..

"Jeremiah?"

"Nasaan na kayo?"

"Medyo malayo pa kami sa bahay nila George."

"Mag aala-sais na. Mag ingat kayo sa byahe. Malapit na ako sa kanila mga ilang minuto na lamang andon na ako."

"Sige. Ingat ka rin, bro."

Call ended.

"Malapit na raw si Jeremiah sa inyo." panimulang sabi ko kay George.

"Sige. Bibilisan ko na lang ng konti para maka abot tayo. Medyo gutom na rin kasi ako at baka kayo rin."

"Oo sige."

Matapos non ay hinayaan ko na lamang na mag drive si George at ipinikit ko na ang akibg mga mata upang matulog kahit na saglit lamang.

A/N: Keep reading guys! Don't forget to vote, comment and share my story. Mwa~

Facebook:
Shiela Bernardo

Twitter:
shielaxbernardo

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon