*First day of school*
Her POV
Nandito na ako sa loob ng aking classroom. Marami na ring tao dito sa loob.
Iba't- ibang itsura. Karamihan ay mukhang mayaman. Hindi ko alam pero ang saya- saya nila.
Sa isip ko nga'y hindi sila magkakakilala. Pero ano ito? At parang matatagal na silang mag kakakilala?
Mga katanungan ang gumuhit sa aking isip. Hanggang sa may pumasok na isang guro sa loob ng classroom at literal na tumahimik ang lahat at tumingin ang lahat sa kanya.
Isang dalagang babae ang pumasok. Maganda sya, maputi at halos perpekto ang kanyang mukha.
Halos lahat ng lalaki ay nakasunod ang paningin sa kanya.
Nakangiti siya.
Tinitignan kaming lahat na para bang may napaka laki naming kasalanan sa kanya.
Ang mga titig nya ay kakaiba. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin non.
Maya-maya pa ay naupo na kaming lahat upang tumayo ang bawat isa para mag pakilala ng kani- kanilang sarili.
Nagsimula na sa unahan.
"George. 19"
"Patricia. 18"
"Myka.19"
"Jake. 19"
"Xyriel. 18"
"Jeremiah. 19"
"Kylene. 18"
"Sofia. 18"
"Leilani. 18"
"Mikey. 19"
"James. 19"
"Greg. 19"
"Angelus. 18"
Hanggang sa ako na lang ang natitira sa dulo. Lahat ng atensyon ay nasa akin na. Agad naman akong tumayo at nag salita..
"Maxene. 18" yan lamang at naupo na ako.
**
Matapos ang kalahating oras na nasa loob kami ng classroom ay break time na namin ngayon.
Habang nag lalakad ako ay nararamdaman kong may sumusunod sa akin. Lumingon ako ngunit wala naman.
Nagpatuloy na akong muli sa pag lalakad.
Ayan na naman.
Ito ba'y imahinasyon ko lang o talagang may sumusunod sa akin?
Ako'y muling lumingon, ngunit wala talaga.
Mas pinili ko na lang na kumain ng mabilis upang makabalik na sa loob ng classroom.
Ayoko ng naeexpose ako sa labas. Hanggat maaari nga ay hindi ako lalabas.
**
Ako'y nandito na sa bahay. Walang tao dahil sa ako lang ang naninirahan dito. Wala na akong magulang.
Walang kamag anak. Marahil sa only child pareho ang aking mga magulang.
Ganoon rin ako.
Mas pinili kong gawin ang nais kong gawin bago mag pahinga.
--
First chapter. Keep reading po.
Please support my story. Thank you. Mwa~
-shlmbrnrd
Twitter: shielaxbernardo
Instagram: shielaxbernardo
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...