Chapter Thirty- Four

26 3 0
                                    

*You are Next*

Her POV

Nang pumunta ako ng syudad ay mayroon lamang akong inasikasong mga papeles na kailangan kong ayusin para na rin sa aking ikabubuti.

Kinabukasan matapos non ay agad din akong bumalik sa Bulacan. Upang tignan ang aking biktima. Ano na kayang nangyayari sa kanya? Hahaha. Nakasisigurado naman akong hindi sya makakatakas doon dahil nga sa isa syang bobo!

Ngunit laking gulat ko nang pag pasok ko roon at pumunta sa pinag lagyan ko sa kanya ay wala na sya roon. Sinubukan ko syang hanapin sa buong bahay, sa mga pananiman, sa mga likod ng puno, sa may likod bahay, ngunit wala sya roon. Agad akong tumakbo sa loob ng aking sasakyan at agad itong pinaandar. Nag tanong sa mga tricycle drivers roon ngunit wala raw silang nakikita na lumabas mula sa bahay.

Saan naman kaya iyon pwedeng pumunta? Ugh! Naisahan ako!

Nang mag didilim na ay napag desisyunan kong umuwi na lamang muli sa Maynila.

Nang pumunta ako sa tinutuluyan naming hotel ay ang sabi raw ay nakapag check out na.

Nasaan naman kaya sila?

Agad kong tinawagan si Angelus. Ngunit hindi nya sinasagot ang aking mga tawag.

Ilang minuto pa ay nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone nang dahil sa isang tawag.

Angelus Calling..

"Lex?"

"Hay, sa wakas! Bakit di mo sinasagot mga text at tawag ko?!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Wala, basta! Kailangan mo?"

"Asan kayo?"

"George."

"K. Papunta na ko."

Call ended..

Bakit sila andon?

Ilang oras pang pag mamaneho ay nakarating na ako kela George.

Nang ako ay maka punta sa mismong entrance ng kanilang bahay ay nagulat ako sa aking nakita--- ang aking biktima.

Napangisi na lamang ako nang makita ko sya. Tadhana nga naman. Ang hirap mo talagang kalaban.

Tinakasan mo ako sa bahay, pwes! Hindi na ngayon. Nakakulong ka na sa aking mga palad ngayon.

Anong oras na at hindi pa rin ako mapakali. Hindi ako makatulog. Naisipan kong mag lakad patungo sa kwarto ng aking biktima ngunit sawi akong mabuksan ang pintuan nya marahil sa ito ay naka-lock.

Kaya naman bumaba na lamang ako at pumunta ako ng kusina. Kumuha ako ng mga kagamitan.

Kutsilyo, tinidor at gunting. Itong mga kagamitan na ito ay aking inipit sa aking suot na pantalon. Nang wala na akong makuha pang kagamitan ay agad na akong pumanik sa taas at pumunta sa aking kwarto.

Inihanda ko na ang aking mga gagamitin mamaya sa pag paslang na inyong matutunghayan sa isang kawawang lalaki. Hahahahah!

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon