*Getting Ready*
Her POV
Dahil nga naka pangako ako sa inyo na sya na ang isusunod ko, eto ako ngayon, nag hahanda ng mga kagamitan na maaari kong gamitin para sa kanyang kamatayan.
Hahahaha! Siguro sa inyong mga paningin isa na akong baliw, no?
Hahaha! Mali! Diyan kayo mali! Matino ako! Kayo ang baliw!
Mga baliw!
Hahahaha!
Humanda na kayo sa mga posibleng mangyari!
Hindi ko sya titigilan hanggang sa abot ng aking makakaya!
Lalaki lang sya!
**
Jeremiah's POVNandito ako ngayon sa roof top ng hotel. Nag papahangin lang.
Bakit pang may tumutulo?
"Fvck!"
Yan na lamang ang aking nabigkas nang kapain ko kung ano ang tumulo sa aking pisngi ay dugo.
Agad akong tumingala upang tignan kung ano ang mayroon ngunit wala namang tao o kung ano sa itaas.
Pag lingo ko sa kaharap kong lamesa ay may patay na pusa.
Tanggal ang lamang loob may gilit sa leeg at puro dugo.
Tatakbo na sana ako pababa sa aming kwarto nang may pumatid sa akin, pag patid na naging dahilan kung bakit ako nadapa.
Babangon na ako nang may nakita akong nakatayo sa aking harapan.
Puro dugo ang mga paa nito.
Maputi sya.
Babae.
Maganda sya.
"T-t-tek-a! I-k-a-a-w-w?" nanginginig at nanghihina kong sabi.
"Ako nga!" sabi nito sabay tawa ng nakakaloko.
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla syang mag labas ng isang pamalong kahoy na malaki sabay hampas nito sa aking ulo.
Umiikot ikot na ang aking mga paningin hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng aking sariling malay.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
KorkuIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...