Epilogue
Maxene's POV
Oo, tama kayo ng basa. Sya ang pumapatay at hindi ako.
Okay lang sa akin kung ako ang inyong pinag hinalaan sa una dahil na rin sa aking mga katangian.
Si Kylene ay nag mamay ari ng mga mas magagandang mata kaysa sa akin.
Kulay green at mayroon syang makakapal at mahahabang pilikmata.
Matangos ang kanyang ilong.
Maputi sya.
Maganda ang kanyang mga natural na mapupulang mga labi.
Matangkad.
Maaliwalas at napaka amo ng kanyang mukha.
Kadalasang tahimik at wang imik.
Kagaya nya ako noong una.
Ayan ang mga katangiang nabanggit noong simula na kagaya ng akin ngunit hindi ako iyon.
Ang aking mga mata ay kulay blue at violet. Kakaiba man pero bagay naman itong mga ito sa akin.
Habang ako ay nag dedescribe sa aming katangian ni Kylene ay nakakahinga naman na kaming maluwag ni James.
Sabay kaming nag mo-move-on sa sinapit ng aming mga kaibigan.
Aming binalikan kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyari sa kapatid ni Kylene
Flashback
Mayroong masama at mapag panggap na step mother sila Kylene. Nag aaral si Kylene at hiwalay ang kanyang tinitirhan sa bahay ng kanyang madrasta, ama at bunsong kapatid.
Mahal na mahal ni Kylene ang kanyang kapatid. Lahat ng gusto nito ay kanyang ibinibigay rito.
Kaibigan namin si Kylene at tiwala sya sa amin kahit pa bisitahin namin ang kanyang kapatid sa kanilang bahay ay walang problema.
Maliban na lamang isang araw ay nakita naming pinahihirapan ng kanyang madrasta ang kanyang kapatid nasi Khenyon.
Pinapakain ng sirang pag kain.
Hinahampas ng malalaki at makakapal na kahoy.
Pinapaso.
Ngingudngod ang mukha sa drum ng tubig.
Sinisipa.
At tinuturing na parang isang hayop lamang.
Iyak ng iyak si Khenyon.
Nakatitig sya sa amin at ang kanyang titig ay nag mamakaawa.
Sinubukan namin syang iligtas ngunit nahuli kami kaagad ng kanyang madrasta at tinutukan kami ng baril. Dahil sa takot namin ay umalis kami ngunit mayroon kaming sinabi kay Khenyon.
"Sorry Khen." Naiiyak naming sabi at tuluyan ng umalis.
Hindi iyon alam ng ama ni Kylene dahil nasa ibang bansa ito para sa trabaho.
Nang mamatay ang bata ay sinabi ng kanilang madrasta ang lahat ng totoo maliban sa..
Inilipat nya sa amin ang kanyang kasalanan at agad naman syang pinaniwalaan ng lahat.
Sinubukan naming sabihin ang totoo kay Kylene ngunit mas pinanigan nya ang kanyang madrasta kaya wala na kaming nagawa pa.
Kaya kami ang pinag hihigantihan ngayon ni Kylene.
End of flashback
Makalipas ang limang taon..
Masaya kaming nakatingin sa puntod ng aming mga kaibigan habang kasama ang aming dalawang makukulit na supling.
Oo, naging kami James at hindi kalaunan ay napag pasyahan naming mag pakasal.
Ngayon ay mayroon na kaming mga anak.
Sila ay sina Fiona Angela na sinunod namin sa pangalan ni Angelus at si Jemiah Isaac na sinunod naman namin sa pangalan ni Jeremiah.
Masaya kami habang nandito sa puntod ng aming mga kaibigan nang may biglang akong matanaw na babae at ang sama sama ng kanyang tingin sa amin.
Si Kylene ba ito?
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...