Chapter Twenty-One

28 4 0
                                    

*Secret Camera*

Jeremiah's POV

Nang tinatawagan namin si Jake ay walang sumasagot ng kanyang telepono lagi na lang ang sinsabi ay "the number you have dialed is busy at the moment." Nag tataka na ako miski sila Myka ay hindi makontak si Jake.

Sama sama naman kasi kami sa iisang kwarto nang biglang nag palipat si Jake marahil daw ay masyado na daw kaming marami para sa iisang kwarto ngunit malaki pa naman ang espasyo.

Nang hindi na ako nakatiis ay pinuntahan ko ang kwarto kung naroroon si Jake ngunit walang bumubukas ng pintuan. Pumunta ako sa counter desk at humingi ng duplicate key para sa kwarto ni Jake.

Nang makuha ko na ang susi ay agad akong umakyat at tumungo sa kwarto ni Jake. Ito ay aking binuksan.

Ang baho.

Ang sangsang ng amoy.

Ganyang amoy ang bumungad sa akin. Kaya naman sinundan ko kung saan nang gagaling ang amoy na iyon.

Hanggang sa dinala ako ng amoy na iyon sa banyo.

"Shit!" Nabigkas ko ang salitang iyan nang makita ko ang nakakadiring piniraso- pirasong bahagi ng katawan sa ibabaw ng isang bathtub.

Nilapitan ko ito at mayroon akong nakita na isang bracelet na kulay asul sa ibabaw nito.

Agad ko naman iyong kinuha at tinignan ng maigi.

Nanlaki na lang ang aking mga mata nang maalala ko kung kanino iyon--- kay Jake iyon.

*Flashback*

"Uy, ganda nyang porselas mo a?" sita ko sa bracelet nyang suot-suot.

"Ah eto ba? Bigay lang sa akin ito ng kaibigan ko." nakangiti naman nyang sagot.

"Sus, kaibigan o ka-ibigan?" nakangisi kong saad sa kanya.

"Ano ka ba Jer? Kaibigan lang."

Sa porselas na iyon ay may nakaukit na mga zodiac signs.

*End of flashback*

Hindi ako papayag na ubusin kami isa-isa ng killer dito.

Sa lugar kung nasasaan man kami ngayon.

Nang umalis ang aking mga kasama ay hindi ko na sinayang pa ang oras na mayroon ako at kinuha ko ang mga camera'ng maliliit sa aking bag at ikinalat ito sa palibot ng kwartong aming tinutuluyan.

Dahil nga sa maliit ito hindi ito agad agad makikita ng kung sino man.

Hindi ko na muna ito sasabihin kahit na ni isa dito sa amin.

Mabuti pang ako na lamang ang nakakaalam kaysa naman sa maling tao pa ang aking mapag sabihan ng sikretong ito.

Ilang minuto lang ay dumating na silang lahat sakto namang tapos na akong mag ligpit ng aking mga ginamit.

Kaya naman inayos ko na ang aking cellphone kung saan naka connect ng pasikreto ang mga camera'ng sinet ko.

Ilang oras pa ang lumipas at nakaramdam na ng antok ang lahat kaya naman kami ay natulog na.

Bukas ko makikita ang mga mangyayari ngayong gabi.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon