*The Innocent Silent*
Jeremiah's POV
Ilang buwan na ang lumipas at unti- unti na rin kaming kumokonti dito sa loob ng classroom.
Lahat kami ay nag tataka na.
Ilang buwan na rin ang lumipas ay wala pa ring kibo si Maxene sa aming lahat.
Ano na ba ang nangyayari?
Bakit nag kakaganito?
Saan na ba napupunta ang mga kaklase namin?
Yan ang aming katanungan.
Pero ni isa ay walang makasagot.
Nag simula na ang klase sa room.
Nag attendance ngunit nilalaktawan lang ng aming guro ang mga nawawala naming mga kaklase.Kung bakit? Hindi namin alam.
Kakaiba na talaga ang nangyayari sa loob ng classroom namin.
Nang biglang tumahimik ang lahat.
Isang inosenteng katahimikan ang nag patigil sa lahat ng nasa loob ng classroom.
Isang bumagsak na flower vase ang nag pabulahaw sa lahat.
Ang bumasag sa katahimikan.
Natulala ang lahat dahil doon.
Tila ba may kumukontrol sa isipan naming lahat.
Hanggang sa may narinig kaming sunod sunod na putok ng baril.
Nanggagaling iyon sa gym ng eskwelahan namin.
Sinubukan namin iyong tignan ngunit wala naman.
Ginusto naming bumaba ngunit bawal.
Hanggang sa isang makahulugang tingin ang ibinato sa amin ng aming guro.
Kung ano ang nais nyang iparating sa amin, ay hindi namin alam.
Hanggang sa matapos ang klase ay nanatili ang mga katanungan sa aming isip.
Kung ano man ang nangyayari sa aming lahat sa classroom ay hindi namin alam.
Maaaring isa sa amin ang may kinalaman o lahat kami ay inosente? Walang makasagot sa tanong na iyan.
Kung sino man sya? Di namin sya kilala.
Teka, hindi nga ba?
Baka mamaya kasama lang pala namin sya.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...