Chapter Thirteen

46 7 0
                                    

*Final Decision*

James' POV

Ilang araw ang lumipas matapos naming mag usap at mag plano sa paborito naming tambayan o sa kubo.

Nakapag desisyon na kaming mag kakaibigan at ayun nga ay ang sa isang magandang lugar na lamang dito sa Pilipinas.

Kung saan? Mag hahanap pa lang kami.

Sakto nga't ilang buwan pa bago mag bakasyon kaya naman may mga libre pa kaming oras upang gawin ang mga dapat naming gawin.

Tsaka para asikasuhin yung mga school requirements na dapat ipasa.

Yung ibang girls na kasama sa outing ay nag sha- shopping na ng mga kani-kanilang susuotin daw.

Excited na ang lahat para sa nalalapit na bakasyon.

Bawat isa ay may plano ng kanilang mga nais gawin para sa aming nalalapit na bakasyon.

Nakakatuwa lang at lahat ay nag hahanda para sa kani- kanilang pansariling kasiyahan.

Lahat ay nag e- expect ng masayang bakasyon.

Sana nga lang at matupad ang kanilang mga nais na mangyari, o sa kanilang inaasahan na kaganapan.

(after one month)

Kagagaling lang naming lahat sa closing party ng aming school year.

Lahat ng kasali sa aming grupo ay nag mamadaling umuwi.

Syempre dahil na rin sa napag usapan naming outing this day.

Kaya naman agad- agad na kaming nag paalam sa isa't- isa upang makauwi na at makapag handa na ng mga gamit naming dadalhin at kakailanganin.

Agad na akong sumakay sa aking sasakyan at nag maneho pauwi ng aming bahay.

Dahil ni isang damit ay wala pa akong naaasikaso.

Naging busy rin kasi kami sa school nung mga lumipas na araw.

Pero ngayon okay na ang lahat.

Nakauwi na ako at nag sisimula ng mag ligpit ng gamit at mag bihis ng damit.

Ilang minuto ang lumipas ay biglang tumunog ang aking cellphone.

Tinignan ko ang screen nito.

Angelus Calling..

Agad kong pinindot ang answer button.

"Hello" sagot ko.

"Where are you? We're here na. Ikaw na lang ang kulang. Maygad" maarteng saad nito.

"I'm on my way. Just wait. "

Call ended..

Pinutol ko na agad ang aming pag uusap upang hindi na ito tuluyang humaba pa.

Nag pahatid na lang ako sa driver namin patungo kung saan ang aming napag usapan.

Nang makarating ako ay agad ko silang nakita.

Totoo nga na ako na lang ang kulang.

Nang namataan nila ako ay hindi na sila nag dalawang isip na tawagin ako at isa- isa na kaming sumakay ng sasakyan.

The One Who KillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon