*Commands of Him*
George's POV
Habang sila ay natutulog, ako naman ay nag da-drive lamang ng tahimik habang nakikinig sa tumutugtog sa stereo.
(Playing: Uncover by Zara Larsson)
Konti na lang at malapit na kami sa bahay. Ilang minuto na lamang.
Matapos ng ilang minutong pag mamaneho ay kinalabit ko na si James na nasa front seat upang gumising. Nang nagising na sya ay inihabilin kong ginisingin na rin ang iba. Ako naman ay tutuloy na sa bahay. Naka parada na rin kasi ang sasakyan ni Jeremiah sa parking lot namin.
Kapag kapasok ko ng bahay ay nag tungo na muna ako sa sala upang tignan kung nandon ba si Jeremiah, at tama nga ako nandon nga sya. Nakaupo at nanonood. Agad ko naman syang nilapitan at kinalabit sa kanyang balikat. Agad naman syang humarap sa akin.
"Oh, andyan na pala kayo."
"Oo, pero ginigising pa ni James yung iba nating kasama."
"Kumpleto ba kayo?" Parang may bakas ng pagka kaba ang kanyang boses.
"Isa lang ang wala, Jeremiah. Umalis kasi kanina yun e."
Nang iyon aking sinabi ay parang nakahinga sya ng maluwag.
"Bakit mo ba kami minadali kanina?" Tanong ko sa kanya.
"Basta, mayroon akong importanteng sasabihin sa inyo."
"Ano iyon?"
"Tsaka ko na sasabihin kapag maayos na ang lahat at handa na kayo."
"Ang weird mo na ngayon, bro. Ilang araw ka lang nawala. Saan ka ba galing?"
"Bulacan." Matabang na sagot nito sa aking tanong.
"Bulacan? Paano ka naman napunta don? As far as I know wala naman kayong bahay don or anything else." Nag tataka kong sabi sa kanya.
"Long story. Oh, ayan na sila."
Lumingon naman ako sa aking likuran nang sinabi nya iyon. Totoo nga, andon na sila. Kaya naman sila ay aking sinalubong at tinulungan sa kanilang mga dalang gamit. Habang tinutulungan ko sila ay napatingin ako kay Jeremiah. Ang likot ng kanyang mga mata, yun bang parang hinahanap.
"Ano naman bang hinahanap mo?" Sita ko sa kanya.
"Hindi ano, sino." Nagulat naman ako sa kanyang isinagot.
"Ha?" Pag uulit ko kahit na narinig ko naman iyon.
"Wala. Tara na, pasok na natin itong mga gamit sa loob tapos kumain tayo. Nagugutom na ako eh."
"Hays, sige sige." Ayan na lamang ang aking nasabi dahil na rin sa na-wi-weirdu-han ako ngayon kay Jeremiah.
Inakyat namin sa second floor ang mga gamit namin. Dito na muna sila tutuloy sa bahay. Ayon rin kasi ang sabi ni Jeremiah. Mas mabuti raw kung kami ay mag kakasama. Kaya, sinunod na lamang namin sya. Sya kasi ang mas nakaka alam ng aming mga pwedeng gawin o pang dipensa sa gumagawa sa aming lahat nitong isang bangungot ng pag patay na ito.
Matapos naming mailagay ang mga gamit sa ikalawang palapag ng aking bahay ay bumaba na kami sa may dining area upang kami ay maka kain na rin.
Pag baba namin ay may narinig kaming nag ri-ring na cellphone at ang cellphone na iyon ay kay Angelus.
"Sino yang tumatawag?" Tanong agad ni Jeremiah sa kanya.
"Si Alex." Sagot nito.
"Huwag mo yang sasagutin." Nakakatakot na saad ni Jeremiah.
"Ha? Bakit naman?" Naguguluhang tanong ni Angelus.
"Basta huwag. Lahat kayo kapag tumatawag o nag ti- text si Alex sa inyo ay huwag na huwag nyong sasagutin. Malinaw?" May diin ang bawat salitang kanyang binitawan.
"Oo na! Kumain na lang tayo, pre. Baka nagugutom na kayong dalawa dyan." Naiiritang sagot ni James.
At ayun nga ang aming ginawa. Umupo at kumain kami.
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
HorrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...