*On The Way*
Sofia's POV
Nakasakay kami ngayon sa aming sasakyan.
At syempre dahil outing lang namin tong mag kakaibigan, wala kaming driver na kasama.
Si Jeremiah ang driver at kapag sya ay inantok na ang kanyang kapalit ay si Jake.
Nandito na kami sa daan kung saan patungong Laguna.
Mayroon daw kasing magandang resort doon atsaka may bahay doon sila Angelus.
Wala naman daw'ng tao roon kaya libre kaming gumalaw ng walang kahiya - hiya.
Syempre kapag andyan yung ibang tao na kamag- anak ng tinitirhan mo ay nakakailang.
Malinis na rin daw roon marahil sa nasabihan na raw ang care taker ng bahay nila.
Meron daw iyong limang malalaking kwarto.
Kaya sakto lang sa amin.
Sa apat na kwarto ay tigalawa at ako na sa natitirang kwarto.
Nag hahanda na rin daw ng makakain namin ang kanilang katulong roon.
Pati ang mga kwarto daw ay nakahanda na.
Kada kwarto raw ay mayroong tig-da- dalawang kama.
Siguro malaki at maganda ang bahay nila Angelus roon.
Habang nandito kami sa loob ng kotse, bumabiyahe.
Ay nag sa- soundtrip kami.
(Playing:Ain't it Fun by Paramore)
Lahat kami ay sumasabay sa kanta.
"Ain't it Fun, Living in the real world.. Ain't it good, being all alone.." sabay sabay naming bigkas sa liriko ng kanta.
Matapos ng kasiyahan naming iyon ay nakaramdam ako ng antok.
Kaya naman napag desiyunan kong kunin ang unan na maliit sa likuran ng sasakyan upang magamit ito.
Nang nakuha ko na ito ay pinusisyon ko ang aking sarili sa aking sariling pwesto at unti- unting sumandal ng bahagya sa unan kong kinuha atsaka ipinikit ko ng dahan- dahan ang aking mga mata upang makatulog na
BINABASA MO ANG
The One Who Kills
TerrorIsang grupo ng matatalik na mag kakaibigan. Nang dahil sa kasinungalingan ay masisira ng ganon ganon na lamang? Sino ang sisira? Paano masisira? Ano nga ba ang kapalit? Matagal na pinag samahan mawawala nang dahil sa isang pambibintang na hindi nama...
